Aso palaging libre ang pandesal sa tinderong naglalako nito dahil sa pagiging mabait at maamo nito!





Maraming mga manggagawa ang talagang naapektuhan ng pandemya mula pa noong buwan ng Marso. Mayroong mga negosyo na kinailangang magsara dahil sa pagkalugi habang ang iba naman ay nagtanggal ng ilang mga empleyado upang kahit papaano ay makapagpatuloy pa rin sa operasyon ang ilang mga kompanya.

Imahe kuha mula sa video ni Romina Yabot Parumog



Marami ding mga simpleng manggagawa na talagang hindi na nakapagtrabaho at nakapagtinda pa dahil sa madalas ay kailangan nilang maglaki ng mga paninda sa lansangan. Halimbawa na lamang ay ang mga balut vendor, taho vendor, mga naglalako ng pandesal at iba pang mga pagkain na mabibili sa kalye.

Imahe kuha mula sa video ni Romina Yabot Parumog



Ngunit sa kabila ng mga kahirapan na ito ay nanatili pa ring maabilidad at madiskarte ang mga Pilipino. Kaniya-kaniyang hanap ng paraan para makapaghanap-buhay pa rin sa gitna ng pandemya.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang nakaka-good vibes na kwentong ito ng isang pandesal vendor at isang aso. Palagi kasing hinihintuan ng pandesal vendor ang isang aso at binibigyan niya ito ng libreng pandesal.

Imahe kuha mula sa video ni Romina Yabot Parumog



Ayon kasi sa post ng netizen na si Romina Yabit Parumog sa “Furr Lovers PH” ay madalas niyang napapansin ang aso niyang si Shadow na nag-aabang araw-araw sa gilid ng kalsada hanggang sa dumaan ang isang lalaking nakabisikleta na naglalako ng pandesal. Ayon sa pandesal vendor ay ngayon lamang siya nakaranas na salubungin ng aso dahil palagi siyang hinahabol ng mga ito lalo na sa tuwing naglalako siya ng pandesal.

Imahe kuha mula sa video ni Romina Yabot Parumog




Marami namang mga netizens ang talagang namangha sa nakakatuwang pagkakaibigan ng pandesal vendor at ng aso na si Shadow. Kung sana mas maraming mga tao ang magiging mapagmahal at maalaga sa mga hayop tiyak na mas maraming mga hayop ang maililigtas mula sa kapahamakan.

Kadalasan kasing tao rin ang nagdudulot ng panganib sa mga hayop at ilang beses na rin nangyayari na sila pa mismo ang nagiging dahilan upang bawian ang mga ito ng buhay o di kaya naman ay makaranas ng hindi kanais-nais na pangyayari.





Post a Comment

0 Comments