Isang batang lalaki nagmistulang bayani matapos iligtas ang isang kuting na na-trap sa isang kanal!





Madalas nating naririnig ngayon sa matatanda na ibang-iba na talaga ang sibol ng mga kabataan ngayon kumpara sa mga kabataan noon. Tila ba mas rebelde at walang respeto ang mga bata ngayon sa mga nakatatanda sa kanila habang noon ay hindi pumapatol ang mga bata sa matatanda dahil sa paggalang ang respeto ng mga ito sa kanila.



Mayroon ding ilang nagsasabi na ang mga kabataan ngayon ay sarili lamang ang iniisip at hindi na nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao. Ngunit lahat ng mga pahayag at komentong ito ay nagbago ng patunayan ng isang batang lalaki na mayroon din namang mga kabataan sa ngayon ang nagmamalasakit pa rin sa kanilang kapwa at maging sa mga hayop sa kanilang paligid.

Dahil nga rito ay hindi nagdalawang-isip ang bata na ito sa Malaysia na suungin ang isang masikip, madilim at nakakatakot na kanal para lamang mailigtas ang kawawang kuting na tila ba nabitag sa malamig na lugar na ito. Naging maagap naman ang bata, kung kaya naman bago pa man siya pumasok sa loob ng kanal ay kumuha na muna siya ng isang “net” sa kanilang bahay upang magamit niya sa pagkuha niya sa kawawang hayop.




Maraming mga netizens ang pumuri at talagang bumilib sa batang ito dahil kung ang ibang mga bata ay puro laro lamang ang nasa isipan, sa murang edad niya ay mayroon na siyang pagmamalasakit at pagmamahal sa iba pang mga hayop na mayroon ding buhay na nasa kaniyang paligid. Nakarating naman ito sa kaalaman ng Malaysia Animal Association na nagpaabot ng kanilang paghanga at pasasalamat sa pambihirang ginawa ng bata.



Nais din nilang pasalamat ang huwarang bata na ito kung kaya naman nais nila itong bigyang ng isang munting gantimpala o regalo. Tunay ngang namulat ang mga mata nating lahat dahil sa nagawang magligtas ng batang ito ng buhay ng isang kawawang hayop kung kaya naman tiyak na mas maraming mga indibidwal pa ang tutulong at magmamalasakit sa mga hayop sa kanilang paligid.





Post a Comment

0 Comments