Anong gagawin mo kung bigla na lamang may nalaglag na “meteorite”o bulalakaw sa inyong bubungan? Maiisipan mo ba itong ipagbili sa malaking halaga?
Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang 33 taong gulang na Indones na ito dahil sa video na kaniyang ibinahagi online kung saan makikita ang malaking bulalakaw na bumagsak sa kanilang bubungan. Ang lalaki na ito ay nakilala bilang si Josua Hutagalung.
Nasa bahay siya noong may bumagsak na isang bulalakaw na halos kasinglaki ng bola ng football. Bumagsak ito sa kanilang veranda sa bandang dulo ng kanilang sala.
Ayon sa ilang mga eksperto ay nasa 4.5 bilyong taon na ang “space rock” na ito. At ito ang isa sa pinakamahalagang natagpuan na bulalakaw dahil sa maaaring mayroon itong mga elemento na makakatulong patungkol sa pag-aaral ng “origin of life”.
Naibenta na ni Josua ang naturang bulalakaw sa isang kolektor. Sa ngayon ay mayroon na siyang sapat na pera para sa kaniyang pagreretiro at nagpatayo na rin siya ng bagong simbahan sa kanilang nayon.
“I was working on a coffin near the street in front of my house when I heard a booming sound that made my house shake. It was as if a tree had fallen on us. It was too hot to pick up so my wife dug it out with a hoe and we took it inside.” Pahayag niya.
Sa ngayon ay mayroon na siyang sapat na perang katumbas halos ng 30 taon niyang sahod para lamang sa isang bulalakaw na nasa 2.2 kilo ang bigat. Dalangin ni Josua na magkaroon ng anak na babae kung kaya naman inaangkin na niyang sagot na ito sa kaniyang mga panalangin.
“My phone lit up with crazy offers for me to jump on a plane and buy the meteorite.” Komento naman ng “Space rock expert” na si Jared Collins.
0 Comments