Maraming mga dayuhan ang nakakapansin sa ilang mga magagandang ugali ng mga Pilipino. Isa na marahil sa mga ito ang “resiliency” ng mga Pilipino.
Ang “resiliency” o katatagan ay ang abilidad na marami sa atin na makaahon kahit gaano pa kahirap ang pagsubok o problemang kinahaharap natin. Tila ba kahit gaano kabikat ang ating mga dalahin ay nagagawa pa rin nating makangiti at maging positibo sa buhay.
Tunay nga na hindi biro ang mga kalamidad, sakuna at problemang kinaharap natin mula pa nang pumasok ang taong 2020. Ngunit kahit pa nga sa gitna ng ganitong pangyayari ay marami pa rin sa atin ang naniniwalang malalampasan din natin ang lahat ng ito.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang video na ito ng isang lolo na tila ba namimingwit ng mga bagay na mapapakinabangan pa sa rumaragasang tubig-baha. Mayroon siyang hawak hawak na mahabang kahoy o panungkit habang nakatungtong sa tila bubungan ng kanilang tahanan.
Nang mayroon siyang nakitang puting plastik na lumulutang malapit sa kaniyang kinatatayuan ay kaagad naman niya itong biningwit. Hindi naman siya nabigo dahil marami palang lamang ang tila “parcel” na kaniyang nakuha.
Ang laman ng naturang “parcel” ay mga damit, charger, cellphone, salamin sa mata, identification card at pabango. Marahil ay hindi ito sinasadyang nailaglag ng tunay na nagmamay-ari dito habang lumilikas dahil sa bagyong Ulysses.
Maraming mga netizens ang nakapanuod ng naturang video na ibinahagi sa social media ng netizen na si Erwin Calicoy. Mahigit 166,000 na ang mga views ng video na ito at hanggang sa ngayon ay talaga namang nangingiti pa rin ang maraming mga netizens sa tuwing mapapanuod ito. Tunay nga na sa kabila ng matinding pagsubok at paghihirap ay mananatili pa ring matatag, masayahan at mapagmahal ang maraming mga Pilipino.
Marami mang nasalanta ng bagyo ay mas marami pa rin ang mga kababayan nating nagnanais na mag-abot ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.
0 Comments