Lalaki, Saludo sa Katapatan ng Isang Security Guard Matapos Isauli ang Nahulog nitong Pitaka



Isang Security Guard ang nag-sauli ng napulot nitong pitaka na naglalaman ng pera at mahahalagang ID

Abot-abot ang pasasalamat ng isang netizen na si ginang Jenny Aguilar Razo, sa nakapulot ng nawawalang wallet ng kanyang asawa sa isang supermarket sa Guiguinto, Bulacan.

Sa sobrang saya ni Jenny, kanya itong ibinahagi sa social media bilang pasasalamat sa taong may mabuting loob na nagsauli sa wallet na naglalaman ng ilang cash at mga mahahalagang IDs ng kanyang asawa.
 


Ayon sa post ni Jenny, nagpunta ng Walter Mart Supermarket sa Guiguinto ang asawa ni Jenny, Huwebes ng umaga, Oktubre 29, gamit lamang ang kanyang bisekleta, mula sa kanilang bahay sa Borol 1st, Balagtas upang bumili ng kanilang mga pangangailan sa bahay.

Nakauwi ng bahay ang kanyang asawa noong araw ding iyon ngunit hindi nito namamalayan na nawawala na pala ang kanyang wallet na nakalagay lamang marahil sa bulsa niya kaya maaring nahulog ito.

Kinabukasan, Biyernes, October 31, muling pupunta ng Guiguinto ang aking asawa gamit muli ang kanyang bisikleta, tsaka lamang napansin na nawawala ng pala ang kanyang wallet.

Ngunit hindi talaga maalala ng kanyang asawa kung saan at papaano nawala ang kanyang wallet. Kaya naman nagbaka sakali siya na balikan ang mga lugar na kanyang pinuntahan noong nakaraang araw, at umaasang makita nya pa ito.
 


Mahalaga umano kasi sa kanilang mag anak ang nilalaman ng wallet ng kanyang asawa, bukod sa may lamang malaking halaga ito, naroon din ang kanyang mga IDs gaya ng driver's license, UMID ID, ATM cards, at rehistro ng kanilang kotse.

At hanggang sa makarating na nga ang aking asawa sa Walter Mart , Guiguinto, bandang 8:30 ng umaga, naka pagtanong ito sa isang security guard na naka duty sa Walter Mart.

At sa awa ng Dios, doon niya nalaman na ang napagtanungan pala niya na Security Guard ay ang mismong nakapulot ng kaniyang wallet. 

Para kay Jenny at sa kanyang asawa, isang malaking kaginhawaan ito sa kanila, at nais sana nilang magbigay ng reward sa nasabing security guard na kinilalang si ginoong Mark Joseph B. Santos, ngunit ayaw umanong tumanggap ng pabuya nito.


Kaya naman bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa nasabing security guard, kanilang ibinahagi sa social media ang kanilang taos sa pusong pasasalamat sa kanya, upang kahit sa maliit na paraan ay makabawi sila sa kabutihan ng tapat na guard nito.

Nais nilang makarating sa kaalaman ng nasabing security guard ang kanilang post at nawa ay mas lalo pang pagpalain ito ng may kapal. Nawa'y dumami pa ang katulad ni ginoong Santos at magsilbing huwaran ito lalo na sa ating mga kabataan.

Nagviral ang post na ito ni Jenny at sa katunayan pa nga ay ibinahagi din ito sa The Philippine Star sa kanilang Facebook page ng isang netizen. Sa ngayon ay mayroon na itong 2,000 likes, at 460 Share sa Facebook. Narito ang kabuuan ng post ni ginang Razo: 

"Shout out po kay sir Mark Joseph B. Santos. Security Guard po ng WalterMart Supermarket Guiguinto.. Mega thank you po sa pagsauli ng nawawalang wallet ng husband ko noong Thursday morning after niya mag bisikleta simula sa bahay namin sa Borol 1st, Balagtas, hanggang sa Waltermart Guiguinto. Ang wallet po ay naglalaman ng Pera, Driver's License, UMID id, ATM cards, at Rehistro ng kotse. Kami po ay nag papasalamat ng lubos dahil ang nakapulot ay may mabuting puso... More blessings po sa iyo sir Mark Joseph. Dahil bawal po sa inyo tumanggap ng reward kaya naman kahit manlang po dito sa social media ay makabawi kami sa kabutihan mo.. Sana po ay makaabot sa iyo ang post na ito.. God bless you sir

PS. Kaninang umaga lang po napansin ng husband ko na nawawala ang kanyang wallet dahil siya ay nag re-ready na para mag bisikleta ulit simula sa aming bahay hanggang sa Guiguinto. Hindi niya po alam kung saan ito nahulog kaya po siya ay nag baka-sakali sa mga lugar kung saan siya nag bisikleta noong Thursday morning. At kanina din po 8:30am ng Friday ay nakapag tanong ang husband ko sa Security Guard ng Waltermart Guiguinto. Doon niya nalaman na ang napagtanungan pala niya na Security Guard ay ang mismong nakapulot ng kaniyang wallet. Kaya sa lahat po ng Security Guard, SALUDO po kami sa inyo!

#WaltermartGuiguinto #GoodSamaritan #ILoveWalterMart

WalterMart Mall WalterMart Supermarket"

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments