Sa panahon natin ngayon, napakarami nang mga nangyayari sa ating kapaligiran na talaga namang hindi natin inaasahan. Mayroong magagandang mga kaganapan at mayroon din namang mga masasalimuot na ayaw na nating maranasan pang muli.


Isa na marahil rito ang hindi magandang nangyari sa pamilyang ito matapos nilang kumain ng pagkaing matagal na palang naimbak sa kanilang ref! Siyam na miyembro ng pamilyang ito ang nasawa matapos kumain ng noodles na nakaimbak sa kanilang ref ng halos isang taon na!



Ayon sa naging pagsisiyasat ng kapulisan ay wala namang “foul play” na naganap dito dahil halos lahat ng mga matatanda ang sumakabilang-buhay dahil sa pagkain ng naturang noodles. Tinitingnan din nila ang posibilidad na talagang bulok na o expired ang kinaing noodles ng mga taong ito dahilan upang mangyari ang insidenteng ito.

Naganap ito sa Jixi City na matatagpuan sa Heilongjiang province sa Northern China habang nagdidiwang ng isang espesyal okasyon. Pinagsalu-saluhan nila ang “homemade corn noodle soup” sa naturang pagtitipon.



Tatlong mga bata ang hindi kumain nito dahil sa kakaibang lasa. At sila nga ang mga nakaligtas sa kapahamakang dulot ng naimbak na noodles. Lahat ng mga kumain ng corn noodles ay nakaramdam na ng sakit ilang oras pa lamang pagkatapos nilang makakain.



Ang pamilyang binubuo ng 12 miyembro noon ay unti-unti na ngang nalagas, natira na lamang ang tatlong mga bata na naisalba pa ng pagiging mapili nila sa pagkain. Ayon pa sa naging pag-iimbestiga ng mga otoridad, nakakita sila ng “bongkrekic acid” sa natirang noodles ng mga biktima at maging sa gastric fluid sa kanilang katawan. Ang acid palang ito ay isang respiratory toxin mula sa “bacterium pseudomonas cocovenenans”.

Nagpaalala naman ang “provincial health commission” sa publiko na huwag nang kumain ng mga noodles lalo na kung mahigit isang linggo itong nasa ref. Lalong lalo nang huwag silang kakain ng kahit anong uri ng pagkain na naimbak na sa ref sa loob ng isang taon o mahigit pa.