Isang lalaking nagdedeliver ang umakyat sa gate matapos makawala ang mga alagang aso ng kanyang dedeliveran.
Hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga delivery riders para makapaghatid ng mga produkto sa ating mga tahanan. Kanilang tinitiis ang mainit na sikat ng araw o lamig ng ulan, depende sa panahon, para mapagsilbihan tayo.
Hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga delivery riders para makapaghatid ng mga produkto sa ating mga tahanan. Kanilang tinitiis ang mainit na sikat ng araw o lamig ng ulan, depende sa panahon, para mapagsilbihan tayo.
Mahalaga ang kanilang serbisyo lalo na ngayong may pandemya. Kaya naman, pakibantayan ang mga alaga sa bahay kung may inaasahang darating na rider.
Trending sa social media kamakailan ang bidyo ng isang delivery rider na tinahulan at inangilan ng aso sa labas ng bahay ng may-ari na pagdadalhan ng produkto. Mabuti na lamang at kagyat itong nakaisip na umakyat sa gate ng bahay nang sa gayon ay hindi maabutan ng mga furry animals.
Mababakas sa mga kilos ng lalaki ang labis na takot at pagkabigla nang makita ang asong pasugod; kasabay ng pagtahol nito. Nanginginig pa ito sa nerbiyos. Sino ba naman ang hindi matatakot sa kagat ng aso?
Ayon sa World of Buzz, kasamahan ng delivery guy ang nagvideo na tila nasa loob ng kanilang sasakyan.
Sa pagpapatuloy ng bidyo naman ay dumating na ang may-ari ng bahay.
Marahil ay hindi ina-anticipate ng may-ari ng bahay ang pagdating ng rider nang mga panahong iyon, pero sa mga nakaaalam at tinatawagan pa ng magde-deliver ay pakibantayan po ang mga alaga para hindi makaperwisyo.
Magsilbi sana itong paalaala sa atin ngayon lalo na sa mga palaging gumagamit ng delivery services. Alalahanin; mahal magpaturok at tiyak na kayo ang sasagot niyan.
Bumuhos naman ang atensyon sa bidyo na ibinahagi ng Pilyong Meme Facebook page sa social media na nakalikom na ng higit 36,000 reaksyon at nasa 2,600 komento.
“Hindi biro ‘yan, nagtatrabaho nang maayos ‘yung delivery man. Dapat ayusin nila mga alaga nila,” ang komento ng isa.
Source: Noypi Ako
0 Comments