Nag-viral ngayon sa social media ang isang Ginang na kinukutya ang isang LGBT na dumaan umano sa harapan niya at pinag-bantaan niya pa umano itong babarilin.
Ayon sa post ni Alexis Hart Garcia, nangyari ang insidente sa Maries Village 2 sa Barangay Mayamot, Antipolo City kung saan doon din siya nakatira.
Madalas umano siyang kutyain at pagbantaan ng babae na pinangalanan nitong ‘Aling Susan.'
Ayon pa kay Garcia, sinasabihan din siya ni Aling Susan na masarap siyang barilin dahil isa siyang bakla.
“Madalas niya akong nililibak, kinukutya ang aking pagkatao, binabasa ng hose tuwing nagdidilig sya ng halaman pag ako’y dumadaan at inaambahan na pupulot ng bato at ibabato sa akin sa tuwing dumadaan ako sa kalsadang harap ng bahay nila at dahil hindi naman ako sanay sa gulo at nandun parin ang respeto ko sa mga babae lalo’t may edad na lagi ko lng pinalalagpas at lagi akong nagtitimpi,” saad ni Garcia.
“Pero tao lang din akong pwedeng mapuno at masaktan,” dagdag nito.
Sa video na in-upload ni Garcia, makikita na binato siya ng malaking bato ni Aling Susan at pinalo din gamit ang isang box.
Maririnig din sa video na ayaw padaanin ni Aling Susan si Garcia dahil ayaw niya itong makita dahil sa pagiging bakla nito.
Kaya naman naghain na ng pormal na reklamo si Garcia sa kanilang barangay para maliwanagan si Aling Susan sa kanyang galit sa LGBT community.
Sa ngayon ay umabot na sa 19k reactions, 4.1k comments at 26k shares ang post ni Garcia.
Narito ang kabuuang post ni Alexis Hart Garcia sa kanyang FB account,
😡DAHIL BA BAKLA AKO, BABATUHIN MO NA AKO?
😡PAANO KONG PINATULAN KO PO SYA, BAKLA BA ULI ANG MAY KASALANAN?
😡MADALING HUMINGI NG TAWAD, PERO ANG KAHIHIYAN AT PAGYURAK NYA SA PAGKATAO KO, MAIBABALIK NYA PA BA?
kahapon po Nov.5 papunta po akong SM masinag para doon maglunch kasama ng partner ko nang iniskandalo po ako ni aling Susan na taga Maries Village 2 brgy Mayamot Antipolo City, kung saan doon din po ako nakatira.Madalas nya akong nililibak, kinukutya ang aking pagkatao,binabasa ng hose tuwing ngdidilig sya ng halaman pag akoy dumadaan at inaambahan na pupulot ng bato at ibabato sa akin sa tuwing dumadaan ako sa kalsadang harap ng bahay nila at dahil hindi naman ako sanay sa gulo at nandun parin ang respeto ko sa mga babae lalot may edad na lagi ko lng pinalalagpas at lagi akong nagtitimpi.pero tao lang din akong pwedeng mapuno at masaktan.lalo na ang sabihan kang BABARILIN sa kadahilanang BAKLA ako.Hindi na raw ako makakadaan sa Maries Village dahil pagmamay ari nya daw ito.
Ang video sa baba ay magpapatunay ng insidenteng nangyari,kalakip nito ang larawan ng galos dulot ng paghampas nya sa akin ng box at larawan ng pagpunta ko sa brgy.
Ako po ay isa sa founders ng Transpinay of Antipolo Organization (TAO),na ang layunin ay maiangat ang pag tingin at panumuhay ng kapwa ko LGBTQI sa lungsod ng Antipolo. Kung sa akin nga po nangyayari ang ganitong karahasan, paano pa kaya sa mga walang lakas ng loob na ipagtangol ang kanilang sarili!
Sa tulong ng matalik kong kaibigan at Kagawad ng Barangay Mayamot- Kristine T. Ibardolaza ako po ay nagsampa ng pormal na reklamo sa barangay para maliwanagan sya sa galit nya sa mga BAKLA 🏳️🌈
#lgbtrightsisHUMANRIGHTS
Source: Noypi Ako
0 Comments