Rabiya Mateo hindi kinahihiyang lumaki siya sa hirap noon sa probinsiya bago pa man makamtan ang tagumpay niya ngayon!





Inamin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na hindi siya namulat sa isang marangya at komportable na buhay. Ngunit hindi ito kailanman naging hadlang sa kaniya upang mangarap siya at magpursige na makamtan ang mga pangarap niyang ito.



Ibinihagi ni Rabiya na buong pagsusumikap at pagtitiyaga silang itinaguyod ng kanilang ina matapos silang abandonahin ng kaniyang ama na isang Indian noong limang taong gulang pa lamang siya. Hindi naging madali ang kanilang pamumuhay noon.

Nakita niya kung paano naghirap ang kaniyang ina at ang kaniyang nakababatang kapatid. Naranasan din nila noon na wala talaga silang kuryente.



“Kaya ’yung Mama ko talaga yung nagtaguyod and dahil sa probinsya rin kami lumaki. And sabi ko nga kailangan ko talagang magsumikap sa buhay kasi naranasan ko in the past na maputulan ng kuryente, humiga lang sa banig, magtrabaho,” pahayag ni Rabiya sa sikat na magazine show sa GMA-7 na “Kapuso Mo, Jessica Soho”



Dagdag pa ni Rabiya ay natuklasan niya noon na maaari palang kumita ng mas malaki sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagiging isang “brand ambassadress” kung kaya naman talagang ginamit niya ang oportunidad na ito upang kumita ng pera at makatulong kahit papaano sa kaniyang ina.


“I had a lot of gigs because I wanted to earn something. I did everything. I studied and worked at the same time just so I can give Mama something, so we can have allowance,” Dagdag pa ni Rabiya nang ipahayag niyang isa talaga siyang “certified raketera” noon.




Kalaunan ay nagbunga rin ang kaniyang pagtitiyaga na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatarabaho dahil sa nakapagtapos siya ng kursong “Physical Therapy” bilang isang “cum laude”. Talaga namang naging napakasaya niya noon dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya ng kolehiyo na alay niya rin para sa kaniyang masipag at mapagmahal na ina.

“So parang sa akin, bakit ko ikakahiya? Kasi gusto kong ma-remember ako ng mga tao na isa sa mga beauty queens na nagsumikap talaga sa buhay. Dugo, pawis, ang daming sakripisyo na ginawa ko. Kaya sinasabi ko sa lahat, basta maniwala lang kayo sa pangarap ninyo, matutupad talaga. Tingnan niyo ako ngayon,” Pagkukwento pa niya.





Post a Comment

0 Comments