Ang naging pagpasok ng taong 2020 ay talaga namang naging malaking hamon para sa maraming mga Pilipino. Ilan sa mga naranasan nating kalamidad at sakuna ay ang pagputok ng bulkan, paglindol, pagbagyo at pagbaha.
Nito lamang pagpasok ng Nobyembre 2020 ay mayroon nang ilang mga bagyo ang sumubok sa maraming mga lugar sa bansa. Ngunit tiyak na tumatak sa alaala ng maraming mga Pilipino ang bagyong Rolly, Siony, Tonyo at higit sa lahat ang bagyong Ulysses na talaga namang nag-iwan ng napakaraming mga bahay na sira at mga probinsiyang lubog sa lagpas taong baha.
Bagamat dalawang “season” o panahon lamang ang mayroon tayo dito sa bansa ay hindi pa rin maiwasan ang pagkakaroon ng matinding pagbaha sa maraming mga lugar sa bansa. Ang pagkatapos nga ng bagyong Ulysses ay sumambulat naman sa publiko ang pinsalang iniwanan nito sa maraming mga siyudad at probinsiya.
Kung problema ng maraming mga motorista o may-ari ng sasakyan ang kaligtasan ng kanilang mga sasakyan, tiyak na napakagandang ideya ng “Siomai Wrap Technique” na ito. Viral na ngayon sa social media ang video na ito ng isang Mitsubishi Xpander na hindi naapektuhan ng baha.
Naging napakawais ng ginawa ng netizen na ito dahil sa hindi na niya kailanganin pang kabahan sa panahong nanganganib na naman ang pagbaha. Maaari pala kasing gumamit ng technique na ito upang masigurong ligtas ang sasakyan kahit paano.
Ang viral na video na ito ay mayroon na ngayong higity sa 248,000 na mga views. Ang netizen na nagbahagi ng video na ito ay nakilala bilang si “Daddy M’ Castro”.
Maraming mga netizens ang bumilib at talagang nakakuha ng ideya upang sa susunod na magkaroon ng pagbaha ay mas magiging maingat at maagap tayo. Batid naman natin na hindi na rin biro ang mga gastusin ngayon kahit pa ng pagpapalinis ng sasakyan ay kakailanganin mong magbayad ng malaki depende kung gaano kalaki ang inyong sasakyan.
0 Comments