Anak na Nakapagpatapos bilang isang Doktor, Pinasalamatan ang Inang nagsumikap para siya ay makapagtapos.


Nag Trending sa social media ang post ng bagong pasang doktor sa Physician Licensure Examination.

Ayon sa post ni John Nico Ronquillo, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang nanay dahil sa mga sakripisyo nito para sa kanya, lalo na nung mga panahon na nag-aaral pa lamang ito.

"Sa tatlompu’t isang taon, Hindi nya ako iniwan, hindi nya ako binitawan, lahat kinaya ni Mama para sa akin. Siya ang inspirasyon ko, siya yung malaking bahagi na humubog sa pagkatao ko, sya yung nagsilbing sandigan ko sa lahat ng oras. Siya yung naging gabay ko." ika ni Ronquillo.

"Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado At lisensyadong Doktor na ako." dagdag pa nya.


Dahil sa lahat ng paghihirap ng kanyang pinakamamahal na ina, nais ng doktor na suklian ang mga ito ngayong natupad na ang kanilang pangarap .

"Ngayon bawat Siya Ay papalitan ko ng Ako. Ma, ako naman po Ang bahala sa inyo." aniya pa.

Inalala din ng bagong pasang doktor ang mga panahon na kinailangang mangutang ng kanyang nanay para lang maitaguyod sya, na ngayon ay hindi na mangyayari dahil sa tagumpay nilang natamo.


"Ako na po ang magtataguyod sa iyo, Ako na po ang magsisilbi sayo, ako na po ang magaalaga sa inyo, ako na po ang magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap mo para sa atin. Hindi mo po na kailangang mangutang, Hindi na rin masusugatan Ang mga kamay mo, Ma, Hindi na mawawala Ang mga ngiti sa labi mo." paliwanag ni Ronquillo.



Basahin ang kabuuan ng kanyang emosyonal na pasasalamat:


Mama, alay ko po sa iyo ang tagumpay na Ito.

Sa buong apat na araw ng board exam, kasabay ko syang gumising, kasama ko syang pumunta ng testing center, naghihintay sya sa labas At nagdarasal habang nageexam ako, kasamang nagrereview At gumigising sa akin nung mga oras bumibigay na ako sa antok.

Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado At lisensyadong Doktor na ako.

Sa tatlompu’t isang taon, Hindi nya ako iniwan, hindi nya ako binitawan, lahat kinaya ni Mama para sa akin. Siya ang inspirasyon ko, siya yung malaking bahagi na humubog sa pagkatao ko, sya yung nagsilbing sandigan ko sa lahat ng oras. Siya yung naging gabay ko.

Ngayon bawat Siya Ay papalitan ko ng Ako.

Ma, ako naman po Ang bahala sa inyo.
Ako na po ang magtataguyod sa iyo, Ako na po ang magsisilbi sayo, ako na po ang magaalaga sa inyo, ako na po ang magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap mo para sa atin.

Hindi mo po na kailangang mangutang, Hindi na rin masusugatan Ang mga kamay mo, Ma, Hindi na mawawala Ang mga ngiti sa labi mo.

Ito na po yung pangarap mo para sa akin. Ito na po yung simula ng mas marami pang magandang bagay na mangyayari sa buhay natin.

Panalo tayo Ma. Ngiting Tagumpay tayo.
To God be the Glory! —John Nico Ronquillo

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments