Nitong nagdaang mga araw ay talagang nagulantang ang publiko dahil sa karumaldumal na krimen na ginawa ng isang pulis Tarlac sa harapan mismo ng kaniyang anak na dalagita. Ayon kasi sa mga video na kumakalat na ngayon sa social media ay nagkaroon ng pagtatalo ang isang pulis at ang kapitbahay nilang binata.
Hindi naging maayos ang kanilang pag-uusap at nauwi nga ito sa nakakalungkot na pangyayari. Bigla na lamang kasing binaril ng lalaking pulis ang binata sa harapan mismo ng kaniyang anak na dalagita.
Maging ang matandang babae na ina ng binata ay binaril din nito sa ulo. Dahil sa naging pangyayari na ito ay agad na nasawa ang mag-ina. Ayon sa ilang mga ulat ay dahil lamang sa “boga” ang dahilan ng alitan sa pagitan ng magkabilang-panig.
Hindi inakala ng maraming mga Pilipino na ganoon na lamang kadali para sa isang pulis ang kumitil ng buhay ng mga inosenteng tao kahit pa nga sabihin na nating nagkainitan sila at nagkaroon ng komprontasyon. Hindi tama ang basta basta mo na lang babarilin at kikitilin ang buhay ng isang tao.
Sa kabila ng galit ng publiko sa mga pulis ay ipinagtanggol naman ng isang dalaga ang kaniyang ama na isa ring pulis. Ayon kay Ria Momblan “proud” siya sa kaniyang ama dahil naging matapat itong pulis.
Hindi niya nakita kailan man ang kaniyang ama na ginamit ang baril nito o ang kaniyang uniporme para lamang lamangan ang kaniyang kapwa. Maging ang kaniyang lolo ay isa ring militar ngunit hindi siya natakot sa kanila sa tuwing makikita niya ang kanilang mga baril.
Dahil para sa kaniya ay ginamit ng kaniyang lolo at ama ang kanilang katungkulan para sa kaligtasan ng maraming mga Pilipino. Hindi tulad ng ilang mga pulis na talagang nagiging mayabang nang husto at mapagsamantala sa kapwa.
“Both my lolo and father are from the military which makes me get used to seeing them carrying gÃœns when they’re around but never have I seen them use it to their advantage to incite fear towards others,” Pahayag ni Ria sa kaniyang post.
“Pulis din ang tatay ko at alam niya kung saan lulugar. Above all, human dignity. Ps. To all fathers out there, Palakihin nang tama ang inyong mga anak,” dagdag pa niya.
Source: Facebook
0 Comments