Hanggang saan nga ba aabot ang pagnanais mong makamit ang iyong pangarap? Kahit ba magsinungaling ka sa ibang tao ay ayos lamang sa iyo para lamang matupad mo ang iyong pangarap?
Nakakalungkot mang isipin ngunit nangyayari din pala ito sa tunay na buhay. Sa katunayan ay mayroon ngang isang babaeng mula sa Britanya na pineke mismo ang kaniyang karamdaman para lamang makalikom siya ng donasyon sa mga taong walang ibang nais kundi ang matulungan siya.
Ayon kasi sa naging social media post ni Toni Sanden, 29 na taong gulang ay mayroon na lamang siyang dalawang buwan upang mabuhay. Ang bukol sa kaniyang binti ang nagpapahirap sa kaniya at ang kaniyang mga “organs” ay nagsisimula nang sumuko at tuluyang masira.
Ibinahagi din niya ang hirap na kaniyang pinagdaraanan tulad na lamang halimbawa ang makailang beses niyang pagkakahulog sa hagdan at maging ang pagsusuot niya ng saklay para lamang makalakad. Talaga namang marami ang naantig at nahabag sa kaniyang sitwasyon.
Kung kaya naman marami ang nagtulong-tulong upang makalikom ng pera parasa kaniyang pangarap na kasal. Taong 2017 nang ibahagi niyang umabot na sa kaniyang utak at mga buto ang kaniyang malubhang karamdaman.
Nagpakalbo na rin siya at ilang mga press ang nag-interview sa kaniya. Ang nais lamang daw niyang mangyari bago siya bawian ng buhay ay maikasal siya sa 52 taong gulang na si James.
Natupad nga ang kaniyang pangarap at naikasal nga sila sa St Bede’s Catholic Church. Nagkaroon din sila ng wedding reception na mayroong 150 na mga bisita.
Ang kaniyang honeymoon ay ginanap sa Turkey na sagot din ng mga taong ninais mag-donate para kay Toni. Sinong mag-aakala na ang nalikom ng kaniyang mga kaibigan at ng mga taong hindi niya kakilala ay aabot ng £8,344 o $11,312?
Ang lahat ng ito ay ginamit niya para sa personal niyang interes. Ngunit hindi nagtagal ay nagtuklasan din ng publiko na peke ang lahat ng ito kung kaya naman ang naging hatol ng District Judge na si Nicholas Sanders para kay Toni ay limang buwan na pagkakakulong!
0 Comments