Marahil ay madalas nating naririnig sa awiting “Bahay Kubo” ang “kundol”. Lingid sa kaalaman ng marami ay hindi ito talaga isang gulay kundi isang malaking prutas. “Winter Melon” kung tawagin ito sa Ingles, madalas ay sinahog ito sa ilang mga lutong ulam kung kaya naman marami ang nag-akalang gulay talaga ito.
Ngunit maliban pala sa ulam ay maaari din itong gawing panghuli ng mga talangka o isang maliit na uri ng alimasag, lobster o crayfish. Isang lalaki mula sa ibang bansa ang talaga namang nakaisip ng diskarteng ito na naitampok pa nga sa isang artikulo ng “Good Times”.
Ang kaniyang ginawa sa malaking prutas na ito ay hinati na muna niya sa magkabilang gilid. Nilagyan niya ito ng tatlong mga hugis bilog kung saan niya nilagay ang isang hugis-embudong net.
Tinalian naman niya ito ng ilang alambre upang masigurong hindi ito matatanggal. Tinusukan pa niya ito ng dalawang patpat upang masigurong wala nang kawala pa ang mga papasok na talangka o lobster dito.
Hindi lamang ito naging pang-ulam ng kaniyang pamilya kundi naging hanapbuhay pa niya kung saan kumikita siya ng salaping ginagamit nila ng kaniyang pamilya upang makaraos sila sa gitna ng pandemyang ito. Sabi ng iilan, kahit naman hindi ka makapagtapos ng kolehiyo ay ayos lang.
Basta’t madiskarte ka sa buhay, tiyak na hindi ka magugutom at hindi ka maghihirap. Tunay nga na marami na ring mga Pilipino ang nakapagpatunay nito ngunit mas marami pa rin talaga sa atin ang nangangarap na makapagtapos ng kanilang pag-aaral gaano man ito kahirap upang sa kanilang pagtanda ay masabi nila sa kanilang mga sarili na nagawa na nila lahat ng nais nilang gawin at wala na silang pinagsisisihan pang hindi nagawa o natapos sa kanilang kabataan.
Samantala, marami naman ang nagsasabing kaniya kaniya pa rin talaga tayo ng mga pananaw sa buhay, diploma man yan, pagsusumikap, determinasyon o diskarte sa buhay na siyang nakatulong sa iyong makamit ang iyong mga pangarap sa buhay, nararapat lamang na ipagpasalamat natin ito sa Diyos dahil sa ito ay isang napakagandang biyaya mula sa Kaniya.
Source: Facebook
0 Comments