Isang babaeng nagtapos ng “Law”, hindi natanggap sa McDonald’s nang sinubukan nitong mag-apply!





Ang sarap maging isang bata. Ang mga bata kasi ay walang ibang alalahanin sa buhay kundi ang kanilang magiging schedule sa paglalaro nila buong araw.

Basta’t mayroon silang pagkain at nasa loob sila ng kanilang tahanan ay wala na silang dapat pang alalahanin. Ngunit sabi nga ng matatanda, habang lumalaki ang isang tao ay mas dumarami ang mga responsibilidad at problema nito sa buhay.



Photo credit: Liverpool Echo

Marami sa atin ngayon ang kailangang makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho, makapagpundar ng sarili niyang bahay, sasakyan at negosyo, bumuo ng sariling pamilya, at magretiro. Marahil ito ang simpleng pangarap nang marami sa atin ngunit hindi tayong lahat ay nakakamit ito.



Sadyang masasambit mo na lang talaga na hindi pala talaga madaling mabuhay. “Life is hard, life is difficult.”

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng maraming mga netizens ang naging karanasan ng isang babae na ito na kahit pa nga nakapagtapos na siya ng pag-aaral ay hindi pa rin siya natanggap sa isang McDonald’s store. Nakapagtapos ng kursong “Law” si Eve Hammond sa Liverpool John Moores University.



At habang wala pa siyang trabaho ay sinubukan niyang mag-apply sa McDonald’s. Kampante naman siyang makukuha siya sa trabahong ito ngunit laking gulat na lamang niya ng matanggap ang mensahe ng naturang kompanya na hindi pala siya natanggap!

Ayon pa sa kaniya, hindi masama ang kaniyang loob at hindi niya nais na masira ang kahit ano pang sikat na kompanya ngunit nais lamang niyang ibahagi na hindi pala talaga madali ang maghanap ng trabaho. Kahit pa nga nakapagtapos ka na ng pag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad, mararanasan mo pa rin ang “rÉjection”.




Photo credit: Liverpool Echo

“I’m not bitter and I wasn’t fuming, it was a throwaway tweet. All this was based around the fact I’ve gone through all that hard work and I’m literally struggling just to even get a non-graduate job.” Pahayag ni Eve.

Agad namang nag-viral ang kaniyang post at maraming mga netizens ang talagang nakisimpatya sa kaniya. Nais rin siyang kuhanin ng ilang mga McDonald’s store na malapit sa kaniyang tirahan ngunit pinag-iisipan pa niya ito ng husto. Umaasa rin siya na kahit papaano ay makakahanap siya ng trabahong nalilinya sa kaniyang pinagtapusang kurso.

Source: Buzzooks






Post a Comment

0 Comments