Mag-amang naglalakad mula Surigao hanggang Davao dahil sa hindi sila pinayagang makasakay sa bus, umantig sa puso ng publiko!





Mula nang pumasok sa bansa ang kinatatakutan natin pandemya ay talaga namang napakarami na nating naranasan na napakahirap na mga sitwasyon. Nakakalungkot na hindi na natin magawa ang mga bagay na noon ay napakadaling gawin para sa atin tulad na lamang halimbawa ng paglabas ng ating mga tahanan upang mamasyal, mamili o di kaya naman ay sumakay sa mga pampublikong transportasyon.



Ilang buwan din kasi ipinagbawal ang paglabas ng publiko para na rin hindi na dumami pa ang mga taong nahahawa ng sakit na COVID-19. Ngunit higit pa pala sa hirap na dinaranas ng marami sa atin ngayon ang napakahirap na sitwasyon nang mag-ama na ito na nakilala bilang si Tatay Reynante Quintos kasama ang kaniyang batang anak.

Hindi kasi sila pinahintulutang sumakay sa mga pampasaherong bus dahil sa kulang ang papeles na kanilang dala-dala. Ayon sa netizen na unang nakakita sa nakakaawang sitwasyon ng mag-ama, si Danilo, ay hindi niya maiwasang malungkot sa ginagawa nilang paglalakad umulan man o umaraw makarating lamang sa tahanan nila sa Davao del Sur.




Dagdag pa ni Danilo ay ibinahagi sa kaniya ng mag-ama na ganoon na lamang ang kanilang pagnanais na makauwi dahil sa minamaltrato ng kaniyang asawa ang isa pa nilang anak na naiwan dito. Dahil sa nais ni Danilo na makatulong kahit kaunti sa mag-amang ito ay binigyan niya ito ng kaunting halaga at ilang mga materyales upang makagawa ng kahit maliit lamang na kariton.

Gamit ito ay maaari silang mamahinga kapag napagod na sila sa kanilang paglalakad. Ayon naman sa naging komento at reaksyon ng ilang mga netizens, dapat sana ay tinutulungan ng lokal na pamahalaan ang mag-ama upang makarating sila ng ligtas sa kanilang patutunguhan.



Sadyang napakahirap ng ganitong kalagayan ngunit sa halip na magreklamo ay sinikap na lamang nilang maglakad gaano man kalayo gamit ang kanilang mga binti, upang kahit papaano ay makauwi sila sa kanilang tahanan at mailigtas nila ang kanilang mahal sa buhay na pinagmamalupitan roon.








Post a Comment

0 Comments