Isang mapagpakumbabang abogada na sumasakay sa traysikel, may napakagandang mensahe para sa mga taong nagsasabi sa kaniyang bumili na siya ng sasakyan dahil hindi sa kaniya bagay ang traysikel!





Ano nga ba ang sukatan ng tagumpay ng isang tao? Kapag ba maraming pera, mayroong magarang mansyon at mamahaling mga sasakyan ay matatawag nang matagumpay sa buhay?

Tunay na kaligayan kaya ang mararamdaman natin kung sakaling mayroon na tayo ng lahat ng mga materyal na bagay na ito? Nakakalungkot isipin na madalas ay nagiging simbolismo na lamang ng mga tao sa ating paligid ang mga pag-aari o mga naipupundar na bagay ng isang tao.



Mas maraming mga materyal na bagay, mas mahal, mas masaya at mas matagumpay para sa kanila. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay mayroon pa rin palang mga taong matagumpay na nais pa ring maging mapagpakumbaba at unahin ang mga bagay na dapat talagang unahin.




Tulad na lamang halimbaw ang isang abogadang nakilala bilang si Atty. Kathrine Jessica Calano, ayon kasi sa kaniyang naging pahayag sa isa sa kaniyang mga social media post ay talagang napakaraming mga tao ang nagsasabi sa kaniyang bumili na siya ng sarili niyang sasakyan dahil sa isa siyang abogado. Ayon pa sa mga taong madalas magsabi sa kaniya nito, hindi bagay sa kaniya ang sumasakay sa mga traysikel dahil sa siya ay isa nang ganap na abogado at upang ipakita kung gaano kalaki ang kinikita ng mga abogado tulad niya ay hindi na siya dapat pa sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.




Hindi na nga niya napigilang magkomento sa mga taong ito na tila wala nang ibang ginawa kundi husgahan ang kanilang kapwa at bilangin ang mga materyal na bagay na nakakamit ng mga tao sa kanilang paligid. Dagdag pa niya, hindi dahil sumasakay siya ng traysikel ay wala na siyang perang pambili ng sasakyan o di kaya naman ay walang mga kliyenteng nagtitiwala sa kaniyang bilang isang abogado.






Maaari din naman kasing hindi lang “corrupt” ang mga katulad niya kung kaya naman hindi sila agad agad nakakabili ng mga ganitong mamahaling bagay. Ayaw naman din daw niyang mangutang sa bangko para lamang makabili ng sasakyan at sabihan ng ibang taong isa nga siyang ganap na abogado.

Para sa kaniya ay marami pang mga bagay na dapat unahin at bigyang prayoridad kaysa ang mga bagay na ito lalo na at inihahatid naman siya palagi ng kaniyang ama papasok sa kaniyang trabaho. Kung kaya naman ang pagsakay sa traysikel pauuwi ng kanilang bahay ay hindi “big deal” para sa kaniya kahit pa nga isa na siyang ganap na abogado.





Post a Comment

0 Comments