Mga batang namamasko, nag-ambagan ng kanilang pera para lamang makabili sila ng pizza sa araw mismo ng Pasko!





Araw ng Pasko ang isa sa pinakasasabikang okasyon ng maraming mga Pilipino. Ito ay hindi lamang dahil araw ito ng pagmamahalan at pagsasama-sama ng pamilya kundi dahil sa ginugunita natin ang kapanganakan ni Hesus.

Imahe mula sa Pizza Pan Out via Facebook



Tayong mga Pilipino ang mayroong pinakamatagal na pagdiriwang ng Pasko kumpara sa ibang mga bansa sa buong mundo. Setyembre pa lamang ay talagang nagsisimula nang mag-ayos at maglagay ng dekorasyon ang maraming mga pamilya.

Hanggang unang linggo ng Enero ay ipinagdiriwang natin ang Kapaskuhan. Tunay ngang napakasarap balikan ng ating mga nakasanayang tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko.




Ngunit higit pa rito ay napakaraming magagandang bagay din ang ating nakikita at nararanasan. Tulad na lamang halimbawa ng mga batang ito na ang naipong pamasko ay ipinangbili ng pizza!




Kung maraming mga bata ang bibili ng mga laruan at iba pang mga materyal na bagay gamit ang kanilang napamaskuhan, ang mga batang ito ay bumili ng pagkain! Ang dalawang batang ito ay tila matalik na magkaibigan.



Pumasok sila sa “Pizza Pan Out” kung saan nagtanong sila kung ano ang pwede nilang mabili sa perang dala nila, pinakamura wika pa ng mga bata. “Ham bacon and cheese” na 8 inches ang kanilang binili, nag-ambagan at nagbilang pa talaga sila ng pera sa loob na nakita ng mga staff.




Imahe mula sa Pizza Pan Out via Facebook

Nagtanong pa ang mga bata ng “milk tea” ngunit hindi na sumapat pa ang kanilang dalang pera kung kaya naman maliit na “softdrinks” na lamang ang kanilang binili. Dahil sa naantig ang mga staff sa mga batang ito ay nag-ambagan na rin sila upang gawing 12 inches ang kanilang pizza.

Masaya namang pinagsaluhan ng mga bata ang kanilang pizza sa araw mismo ng Kapaskuhan.

“And our staff decided mag-ambag to upsize their order to 12inch as a Christmas gift. They enjoy eating outside at halos di nila maubos ang dami daw but they did. So sweet. Thank you kids for coming at pag-ipunan para maka try kayo ng pizza namin. Till next time merry Christmas.” Pahayag ng Pizza Pan Out sa kanilang Facebook page.

Source: Facebook






Post a Comment

0 Comments