Sa panahon natin ngayon, madalang na tayong makarinig ng magagandang mga balita sa telebisyon man o sa radyo at kahit pa nga sa iba’t-ibang uri ng social media platforms. Kahit pa nga napakaraming negatibo at hindi magandang nangyayari ngayon sa ating bansa ay marami pa ring mga tao ang gumagawa ng mabuti sa kanilang kapwa.
Tulad na lamang halimbawa ng isang batang ito na siyam na taong gulang pa lamang. Hinahangaan siya ngayon ang maraming mga tao dahil sa kaniyang pambihirang katapatan at kabaitan.
Nakapulot kasi siya ng isang “pouch” na mayroong laman na Php32,000, ilang mga identification cards o ID, at mga importanteng dokumento habang siya ay pauwi. Hindi niya ito pinag-interesan at agad niyang isinauli sa may-ari.
Labis labis ang pasasalamat ng may-ari ng pouch sa batang ito at talagang bumilib siya ng husto sa kaniya. Hindi rin naman niya hinayaang umuwi ang batang si Gernan Garcia nang walang dalang gantimpala sa ginawa niyang kabutihan.
Nagpasalamat din siya sa mga magulang ng bata dahil sa napakagandang pagpapalaki nila sa kanilang anak. Hindi lahat ng mga kabataan at mga tao ngayon ay kakikitaan mo ng ganitong pag-uugali kung kaya naman sa murang edad ay talagang bibilib ka na kay Gernan.
Agad namang kumalat sa social media ang kwentong ito ng bata na siyang naging dahilan upang umulan ng mga biyaya at pagpapala para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Umulan ng papuri at magagandang reaksyon mula sa maraming mga netizens ang mga posts patungkol sa batang si Gernan.
Mayroon ding ilang mga taong nais magbigay ng tulong at kaunting biyaya sa kaniya at sa kaniyang pamilya kabilang na ang sikat na personalidad na si “Jojo A”. Nagkomento kasi ito sa post ng “GMA News” at nagtanong kung sino ang maaaring kausapin upang makapagpaabot ng kaunting biyaya para sa matapat na bata.
Source: Facebook
0 Comments