64-Anyos na Tricycle Driver na Grumaduate ng BS Education, Hinangaan ng mga Netizens


Isang 64-anyos na tricycle driver ang grumaduate ng BS Education sa Zamboanga.

Ang pag-aasam ng diploma ay wala sa edad at pisikal na kaanyuan ng tao. Ang pagkakaroon ng kaalaman ay isang kayamanang kailanman ay hindi mananakaw sa kanino man.

Muling nagviral ang kwento ng isang 64-anyos na tricycle driver na nakapagtapos sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSE), major in English mula sa Western Mindanao State University-Molave sa Zamboanga del Sur walong buwan na ang nakararaan.


Maalalang marami ang humanga kay tatay Generito Yosores dahil sa kabila ng pagiging isang tricycle driver ay napagtapos niya ang sarili sa pag-aaral ng kolehiyo.

Ngunit sa kabila ng tagumpay ay samu’t saring reaksyon din ang natanggap ni tatay mula sa netizens.

May mga nagsasabing hindi na rin niya umano magagamit ang kanyang degree dahil 65 taon lamang ay nagreretiro na ang mga guro.

Ilang netizens din ang pumuna sa ginawa ni tatay Generito at sinasabi pang ‘useless’ na rin ang kanyang pagtatapos dahil wala na rin umano siyang mapapasukang trabaho.

Ngunit para kay tatay, hindi umano trabaho ang habol niya dahil alam niyang malabo na rin na makapagturo siya dahil sa kanyang edad. Nais lamang daw niyang tuparin ang matagal na niyang pangarap para sa sarili – ang makapagtapos ng kolehiyo.


Paliwanag naman ng isa sa kanyang naging propesor na si Alfred Canete, hinahangaan niya ang ipinakitang determinasyon ni tatay Generito na sa kabila ng kanyang edad ay nagawa niyang mapagtapos ang sarili sa pag-aaral.

Ibinahagi rin niya na nakuwento sa kanya ni tatay na nais lamang nitong matupad ang pangarap na hindi niya nagawa noong kabataan niya dahil sa hirap ng buhay.

Dagdag niya, “It’s never too late to reach for your dreams. Education has no age limit. Dreams are free.”

Sa ibinahagi namang post sa Facebook ni Amelyn Dangan Lingcay-Gomez, sinabi niyang proud ang buong WMSU family sa kanilang tatay Generito.

Aniya, “We’re so grateful and happy for your success. Continue to be a blessing for each and everyone, despite of all your challenges you still chose to follow your dreams and fulfill your purpose in life Indeed.”

Marami rin ang nagbigay ng suporta kay tatay Generito.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments