Isang Ama na Security Guard ang hinangaan dahil kasama niya ang kanyang anak sa duty upang maalagaan niya ito.
Tunay na kahanga-hanga ang mga magulang na kayang pagsabayin ang pag-tatrabaho at pagaalaga ng bata. Kung tutuosin, napakahirap para sa isang magulang na mag-alaga ng bata habang nagtatrabaho dahil ang iyong atensyon at oras ay nakahati.
Tunay na kahanga-hanga ang mga magulang na kayang pagsabayin ang pag-tatrabaho at pagaalaga ng bata. Kung tutuosin, napakahirap para sa isang magulang na mag-alaga ng bata habang nagtatrabaho dahil ang iyong atensyon at oras ay nakahati.
Ngunit bilang isang responsableng magulang ay kailangan mong tiisin ito dahil para rin ito sa ikabubuhay ng iyong pamilya. Kaya naman kahit mahirap ay kakayanin mo pa rin ang lahat ng pagsubok na ito.
Isang netizen na kinilala bilang Jeff Magno ang nag-share ng isang larawan ng isang security guard ng isang pawnshop na dala-dala ang kanyang anak habang ito ay naka-duty sa kanyang pwesto.
Ikinuwento ng netizen siya ay nakapila kasama ang kanyang pamangkin sa nasabing pawnshop. Pero naging agaw atensyon nang makita niya ang security guard na may kasamang bata.
Dahil hindi naman karaniwang nangyayari ito, ay naging curious siya kaya tinanong niya ang guard. Mas lalong naantig ang kanyang puso ng ikwento ng guard kung bakit niya kasama ang kanyang anak.
Tinanong ni Jeff kung may sak!t daw ba ang bata, ngunit sinabi lang ng guard na ipinanganak daw kasi itong pre-matured.
Kung iisipin, siguro ay wala talagang mag-aalaga sa bata kaya ang naging solusyon ng ama ay dalhin na lamang ang kanyang anak sa trabaho upang ito ay kanyang mabantayan at maalagaan.
Nang mai-share ito sa social media ay agad naman itong nagviral. Maraming netizens ang humanga sa pagiging huwarang ama ng security guard, makikita na kahit sabay na ginagawa nito ang pagtatrabaho at pag-aalaga ay makikita pa rin na nakatawa pa rin siya. Marami rin ang nagkomento na pinupuri ang employer ng security guard dahil inintindi siya na kailangan niyang ingatan ang kanyang anak habang nasa trabaho.
Source: Noypi Ako
0 Comments