Ano nga ba ang mas masaya, ang nakasanayan natin noon na panunuod ng sabay-sabay o ngayon na halos puro gadget na ang ating hawak?





Pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens ang larawan na ito mula sa Facebook Page na “Batang Pinoy – Noon at Ngayon”. Isang netizen na nakilala bilang “Lorenz Raphael” ang nagbahagi ng tila isang “painting” na ito kung saan makikita ang pagkakaiba ng mga tahanan noon sa mga tahanan natin sa ngayon.


Makikita sa itaas na larawan ang mga bata at maging ilang nakatatanda na sama-samang nanunuod sa isang munting telebisyon. Nakabukas ang mga bintana at pintuan ng naturang bahay na tila ba nagwe-welcome sa mga bata na maaari silang manuod hanggang gusto nila.



Ganito kasi ang natural na kalagayan noon sa probinsiya kung saan hindi lahat ng mga pamilya ay mayroong telebisyon. Para sa mga pamilyang walang kuryente at telebisyon ay nakikinuod na lamang sila sa kanilang kapitbahay kapag oras na ng paborito nilang programa sa telebisyon.

Sa larawan naman sa ibaba ay makikita ang natural na kalagayan natin sa ngayon. Hindi na lingid sa ating kaalaman at base na rin sa ating karanasan, kahit bata pa ay talagang mayroon nang sarili cellphone, iPad, tablet, laptop at iba pang mga modernong gamit.




Dahil sa mayroon nang mga personal na gadgets ay hindi na nagagawa pang mag-usap ng bawat isa at tila ba mayroon na silang sariling mundo na sila lamang ang maaaring makapasok sa tuwing maghahawak sila ng mga gadgets na ito. Nakakalungkot man isipin ngunit ito na talaga ang madalas nating makitang kalagayan ng maraming mga pamilya at mga kabataan.




Mayroon din namang mga magulang na hindi sang-ayon sa ganitong sistema kung kaya naman ginagawa nila ang lahat upang maturuan ang kanilang mga anak kung paano maging isang responsable at disiplinadong sa murang edad. Dahil na rin sa ganitong sistema ay mas marami pang mga kabataan ang nanganganib na lumabo ang mga mata ng mas maaga dahil na rin sa maaga at labis na paggamit ng mga gadgets na ito.



Samantala, mayroon ding mga kabataan ngayon na nakompromiso na rin ang kanilang mga kalusugan dahil sa hindi maayos na paggamit ng internet, social media at mga modernong gadgets.








Post a Comment

0 Comments