Usap-usapan ngayon ang kontrobersiyal na balita tungkol sa isang 85 taong gulang na babaeng inakalang nasawi na dahil sa COVID-19. Hindi makapaniwala ang kaniyang mister na si Ramon Blanco nang mabalitaan ang pagkasawi diumano ng kaniyang misis na si Rogelia Blanco dahil sa nakakahawang sakit na ito.



Ayon sa ilang mga nauna nang ulat ay pumanaw diumano si Rogelia anoong Enero 13 at agad din namang inilibing kinabukasan alinsunod na rin sa COVID-19 protocols. Dahil sa hindi na maaari pang paglamayan ang mga katawan ng mga nagpositibo at nasawi sa sakit ay hindi na nakita pa ng kaniyang mga kamag-anak ang kaniyang bangkay kung kaya naman laking gulat na lamang nila nang umuwi si Rogelia sa care home na tinutuluyan niya noon.

Ayon naman sa San Rosendo Foundation ay mayroong dalawang matandang babae na magkasama sa isang kwarto nagkaroon nang pagkakamali sa pagkakakilanlan ng dalawa kung saan mali ang pangalan na naitala sa matandang nasawi at sa isa pang matandang babae na nabuhay.




“Among the elderly people transferred were two women who were assigned the same room. An identification error during the process of transfer from Xove to Pereiro de Aguiar led to the d3ath of one of them being certified on Jan. 13, although the identity was wrongly assigned.” Pahayag ng naturang foundation.




Ayon pa sa ilang mga ulat, totoong nagpositibo si Rogelia kasama ang ilan pang mga naninirahan sa care home kung kaya naman kinailangan silang ilipat ng lugar. Ang matandang babae na nasawi ay ang kasamahan ni Rogelia sa kwarto at hindi siya kung kaya naman hindi dapat mabahala ang publiko na ang mga taong nasawi noon sa COVID-19 ay mayroon pang kakayahan na mabuhay at bumalik sa kanilang mga pamilya.



Tunay nga na napakahirap pa rin ng ating kalagayan dahil sa pandemyang ito na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin nating nararanasan.