Dating barangay tanod nakapagtapos ng Cum Laude at isa na ngayong lisensiyadong Engineer!





Usap-usapan ngayon sa social media ang binatang si Janryl Judill Tan na dating barangay tanod ngunit ngayon ay isa nang ganap na engineer. Minsan na siyang naging viral online dahil sa kaniyang matinding pagpupursige na makapagtapos ng kolehiyo.



Marso 2019 nang magtapos siya bilang isang Cum Laude sa kursong “Bachelor of Science in Civil Engineering” sa “University of Cebu”. Talaga namang marami ang bumilib sa kaniya dahil sa wakas ay nakamit na niya ang pinakaaasam niyang pangarap.




Ngunit hindi rin pala naging madali para sa kaniya ang lahat. Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya. Bata pa lamang siya ay talagang palipat-lipat na sila ng bahay.




Mula sa Cebu City hanggang sa Alubijid, Misamis Oriental. Hirap ang kaniyang mga magulang na sina Jerry at Nilda na makapagpundar ng sarili nilang bahay at lupa dahil na rin sa hirap ng buhay.




Ang kaniyang inang si Nilda ay isang “housewife” habang ang kaniyang ama naman na si Jerry ay nagtatrabaho bilang isang “repairman”. Ang kinikita ng kaniyang ama sa pagkukumpuni ng ilang mga sirang gamit ay sapat lamang upang makakain sila sa araw-araw.




Mahirap man ang kanilang buhay ay talagang pinangarap na ni Janryl na makapagpundar at makapagtayo ng maayos na tahanan para sa kaniyang pamilya. Ito rin ang dahilan kung kaya engineering ang napili niyang kurso.

Noong una ay hindi niya lubos maisip kung saan siya kukuha ng halos Php19,000 hanggang Php23,000 na pangbayad niya sa kaniyang matrikula buwan buwan ngunit talaga namang napakalaking biyaya na siya ay mapabilang sa mga iskolar ng Commission on Higher Education o CHED. Sa pamamagitan ng iskolarsyip na ito ay makakatanggap siya ng Php15,000 kada buwan na magagamit niya para sa kaniyang pagkokolehiyo.


Sinong mag-aakala na ang barangay tanod noon ng Barangay Kalubihan sa Cebu City sa isa nang lisensiyadong inhenyero sa ngayon dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga?





Post a Comment

0 Comments