Para sa karamihan, ang pagpasok sa isang relasyon ay talagang nangangailangan ng matinding “commitment”. Mahirap kasi ng mag-alaga ng isang relasyon na hindi ka naman sigurado kung sigurado sa iyo ang iyong minamahal o baka naman mamaya ay ikaw lang naman pala talaga ang nagmamahal sa inyong relasyon.
Kamakailan lamang naging mainit na balita ang hindi inaasahang pagkasawi ng isang “flight attendant” na nakilala ng publiko bilang si Christine Dacera. Talaga namang napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa natagpuan na lamang siyang isa nang malamig na bangkay sa bathtub ng tinutuluyan niyang hotel.
Ito ay naganap matapos ng kanilang New Year’s Eve party kasama ang kaniyang mga kaibigan. Naging masalimuot man ang pangyayari dahil sa una nang pinahayag ng kapulisan na mayroong panghahalay at pagkitil ng buhay na ginawa diumano ng kaniyang mga kaibigan, agad naman silang napawalang-sala dahil na rin sa kakulangan ng ebidensiya.
Sa lamay ng dalaga ay marami ang nakapansin sa pagdalaw ng dati niyang kasintahan kasama ang bago nitong nobya. Kumalat na rin ang naging usapan nila noon bago sila maghiwalayan.
Ayon kay Christine, batid niyang iyon na ang magiging pagtatapos ng kanilang relasyon. Pakiusap niya sa kaniyang dating nobyo na maging masaya ito at huwag siyang mag-alala dahil sa mahahanap din naman ng dalaga ang kaniyang kaligayahan.
Sumagot naman ang kaniyang nobyong nakilala sa pangalang “Mart” ay sinabing magiging masaya rin siya, mag-ingat siya palagi at sana ay magkita pa rin daaw sila sa kanilang pagtanda. Bago pa man matapos ang kanilang pag-uusap ay sinabi ni Mart na maganda pa rin daw si Christine.
Pakiusap pa sa kanya ng dalaga, nais niyang marinig ang mga kwento ni Mart tungkol sa kaniyang bagong minamahal. Nais din daw niya kasing makilala ang babaeng mag-aalaga sa kaniya.
At bago pa man maihatid sa kaniyang huling hantungan ang dalaga ay naipakilala na ni Mart sa kaniya ang bagong babaeng magpapasaya at mag-aalaga sa kaniya. Ang lahat ng simpatya ng publiko ay na kay Christine dahil sa pagpapalaya nito sa kaniyang minamahal gaano man ito kasakit para sa kaniya.
Marahil ay nararamdaman na din niyang mas nararapat nang matapos ang kanilang relasyon kaysa naman dumating ang panahon na ito na kanilang kinatatakutan.
0 Comments