Isang guro sa Antipolo City, nagawa pang mag-reply sa kaniyang estudyante na nagtatanong sa kaniya patungkol sa papel na kaniyang chineck-an sa araw mismo ng kaniyang kasal!





Kinagigiliwan ngayong ng maraming mga netizens ang balitang ito patungkol sa naging kakaibang karanasan ng isang guro sa araw mismo ng kaniyang kasal. Siya ay si Teacher Irish Bautista na ikinasal nito lamang Enero 9 sa Antipolo City.



Kahit kasi sa araw ng kaniya mismong kasal ay hindi pa rin matatakasan ang pagiging isang guro niya. Ayon kasi sa kumakalat na screenshot ng naging pag-uusap nila ng kaniyang estudyanteng si Larah, magalang na tinatanong ng estudyante kung saan nakuha ng guro ang papel na nacheck-an ng kaniyang guro dahil sa nawawala diumano ang ibang mga subject o asignaturang kasama nito.

Sinabi din ng estudyanteng magkakasama lamang ang kaniyang mga papel. Agad namang sumagot ang kaniyang guro na si Teacher Irish at nag-send ng kaniyang larawan habang nakasuot ng kaniyang “wedding gown”.




Ang sumunod na pahayag ng guro ay talaga namang kinagiliwan ng marami dahil sa sinabi niyang “Wait lang Larah… Ikakasal lang si Ma’am. Replyan kita later.” Umani ito ng sari-saring komento sa publiko.




Mayroong iilan na nagsasabing magalang naman ang naging pag-uusap ng dalawa at wala namang masama rito. Marami na kasing nagiging kontrobersiya ang mga guro at kanilang mga estudyante na hindi nagiging magandang ehemplo para sa nakararami.



Ngunit sa kabila ng mga balitang ito ay mayroon pa ring mga mabubuting guro tulad na lamang ni Teacher Irish na kahit pa nga mismo sa araw ng kaniyang kasal ay hindi nagdalawang-isip na sagutin ang katanungan ng kaniyang estudyante. Batid naman nating lahat na ang kasal ng isang babae ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kaniyang buhay kung kaya naman marami din ang sumaludo sa gurong ito dahil sa naging maunawain siya sa kaniyang estudyante.




Kung ang lahat ng mga guro at magiging guro sa hinaharap ay magiging kasing bait ni Teacher Irish, tiyak na mas marami pang mga kabataan ang maiingganyang mag-aral ng husto.





Post a Comment

0 Comments