Marahil ay marami sa atin ang nakakaranas ng tambak na mga gawain sa bahay, sa opisina o kahit sa eskwela ngunit hindi natin agad matapos ang ga-bundok na mga gawaing ito dahil sa maraming mga distraksyon sa ating paligid. Maaaring ang ating mga pamilya mismo ang nagiging dahilan upang hindi natin kaagad matapos ang ating mga dapat tapusin, minsan naman ay mga gadgets o di kaya naman ay ang social media.
Ngunit mas madalas na tayo mismo ang nagiging dahilan lalo na kung minsan ay tinatamad din tayong gumawa ng mga bagay bagay. Ngunit para maging sigurado, naglagay na ng paalaala ang estudyanteng ito upang wala nang kumausap pa sa kaniya at nang matapos na niya ang kaniyang module.
Sa ibinahaging larawan ng inang si Lea Ramos Villanueva ay makikitang seryosong seryoso ang kaniyang anak na si Kyla Mhikaela R. Villanueva habang abala sa pagtapos ng kaniyang mga gawain. Ayon pa sa naging post ng ina, tila nagmamaldita raw ang kaniyang anak na kasalukuyang kumukuha ng BS Accountancy sa City College of Calamba sa Laguna.
“Yung anak mong nagmamaldita… matapos lang ang module niya.” pabirong komento ng ina sa kaniyang viral post.
Ayon naman sa estudyanteng si Kyla ay nagkaroon siya ng sakit at mayroon din siyang pinagdaanang problem nitong mga nagdaang buwan kung kaya naman ng magbabalik na siya noon sa klase ay nalula talaga siya sa dami ng kaniyang gagawin. Kung kaya naman upang makapagpokus at makaiwas din sa mga utos ay naglagay na siya ng tila isang karatola sa kaniyang likuran upang hindi na siya maabala pa sa kaniyang ginagawa.
Umani naman ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Naging magandang ideya rin ito para sa maraming mga mag-aaral at mga empleyadong “work from home” ang set-up sa kanilang mga trabaho. Ikaw, paano ka ba nakakaiwas sa mga distraksyon lalo na kung masyado kang abala?
Source: Facebook
0 Comments