Ilang mga manggagawa muntikan nang lamunin ng buo ng isang “sink hole” habang sila ay nagtatrabaho!





Ilang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang maranasan natin ang pagdating ng pandemya sa ating bansa. Maraming mga industriya at negosyo ang talagang naapektuhan.

Ang pang-araw-araw nating gawain ay labis ding naapektuhan dahil sa ipinatupad na “lockdown” ay maraming mga pamilya ang hindi muna pinayagang makalabas ng kanilang tahanan at maraming mga negosyo ang kinailangang magsara. Dahil sa pangyayaring ito ay maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho.



Kung kaya naman kaniya-kaniya ng diskarte ang marami upang kahit papaano ay kumita pa rin ng pera sa gitna ng pandemyang ito. Simula noon ay mas marami nang mga Pilipino ang mas nagpahalaga sa kanilang mga trabaho at pinagkakakitaan.







Kumakalat sa social media ngayon ang video na ito ng isang grupo ng mga trabahador na tila naghahabi nang sama sama sa iisang lugar, makalipas pa ang ilang mga segundo ay bigla na lamang lumubog ang lupa sa bandang gilid ng kanilang pinagtatrabahuhan. Ayon sa ilang mga ulat, ang naturang video ay kuha pa noong Abril 28, 2020 sa Hanoi, Vietnam.



Ang anim na manggagawang nasa video ay hindi naman napahamak dahil sa agad din silang nakatayo mula sa lugar na kanilang kinauupuan. Buti na lamang at walang napahamak sa kanila.





Maraming mga netizens ang nagsasabi na madalas na talagang mangyari ang mga kaganapan na ito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang mga sink hole na ito ay madalas malalaking butas sa lupa na nagiging dahilan upang masira ang ilang mga establisyemento, mga kabahayan at mga sasakyan.

Mayroon ding ilang pagkakataon na ito ay kumikitil ng buhay ng ilang mga inosenteng tao. Kung kaya naman pinag-iingat ng kinauukulan ang publiko lalo na ang mga residenteng nakatira malapit sa lugar na madalas pangyarihan ng ganitong sakuna.

Tunay nga na hindi natin masasabi kung kailan darating ang sakuna, kalamidad at aksidente kung kaya naman dapat lamang na maging maingat tayo sa lahat ng pagkakataon.





Post a Comment

0 Comments