Isang 36-anyos na babae na nagsilang sa ika-44 niyang anak, pinagbawalan na ng doktor na magbuntis pang muli dahil sa maaari na itong makasama sa kaniyang kalusugan!





Ang kakayanang magdalang-tao, panganganak at apagkakaroon ng anak ay isa sa mga nakamamanghang milagro ng Diyos. Isa ito sa mga dahilan kung kaya mas tumitibay ang samahan ng isang mag-asawa.



Mas nagiging buo rin ang isang pamilya dahil rito. Tunay nga na marami sa mga kababaihan ang talagang nagnanais na magkaroon ng ilang mga anak.

Ngunit para sa 36-anyos na si Mariam Nabatanzi mula sa Uganda, higit pa sa biyaya ang kakayahan niyang magbuntis dahil sa ngayon ay mayroon na siyang 44 na mga anak. Sa kasamaang palad ay anim sa mga ito ang pumanaw ng maaga.







Ngunit talagang maraming mga tao ang nagulat dahil sa dami ng kaniyang mga supling! Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, 12 taong gulang pa lamang siya ay ikinasal na siya sa isang 40 taong gulang na lalaki at mula nga noon ay nagbuntis na siya hanggang sa magkaroon siya ng 44 mga anak.




Lingid sa kaalaman ng publiko ay mayroon pala siyang hindi pangkaraniwang kondisyon. Hindi kasi pangkaraniwan ang laki ng kaniyang obaryo. Para sa maraming mga kababaihan, “fertile” sila 12 hanggang 14 na araw bago ang kaniyang buwanang dalaw at dito ay mayroong malaking tiyansa na sila ay mabuntis kung hindi protektado ang kanilang pagtatalik.




Ngunit sa kondisyon ni Mariam, ilang mga “egg cell” ang inilalabas ng kaniyang katawan sa bawat buwan. Dahil dito ay mas marami siyang ipinagbuntis at ipinanganak. Ang ganitong uri ng kondisyon ay maaaring “hereditary”.

Si Mariam ay mayroong anim na pares ng kambal sa kaniyang mga anak, apat na triplets, at limang mga quadruplets. Dahil na rin sa kaniyang kondisyon ay pinayuhan na siya ng doktor na huwag nang magbuntis pa dahil makasasama na ito sa kaniyang kalusugan at pangangatawan.

Hindi rin siya pinayuhang uminom ng “birth control pills” dahil sa magkakaroon lamang siya ng “hormonal imbalance” na mas maaaring makapagpalala sa kaniyang kondisyon.






Post a Comment

0 Comments