“Online shopping” ang isa sa mga patok na patok ngayon sa maraming mga Pilipino. Marahil ay hindi na kasi kakailanganin pang lumabas ng ating mga tahanan.
Mas makakaiwas tayo sa panganib na dulot ng COVID-19 lalo na sa ngayon na mayroon na naman daw ilang mga mutations ito. Sa dinami-rami ng mga hindi magagandang bagay na nangyari sa atin nitong nagdaang taon, nakakatuwa pa ring malaman na mayroon pa ring mga Pilipino na positibo pa rin ang pananaw sa buhay.
Hindi talaga mawawala sa atin ang pagiging masayahin sa araw-araw gaano man kabigat ang ating pinagdaraanan. Halimbawa na lamang ang isang netizen na ito na nagbahagi ng ilang mga larawan ng isang delivery rider na minsang nagdala sa kaniya ng inorder niyang “hair dye”.
Naibahagi pa nga sa Facebook page na “Magallon CO.” ang kaniyang nakaka-good vibes na kwento. Hindi na rin naiwasan pa ng maraming mga netizens na kiligin, maka-relate, at maka-sana all sa naging karanasan niyang ito.
Ayon pa nga sa post ng naturang netizen: “LAZADA NAMAN HAIR DYE LANG INORDER KO BAKIT NAMAN INSPIRASYON PARA MABUHAY ANG BINIGAY NINYO. SEE YOU NEXT TIME KUYA! IKAW NA LANG SANA PERSONAL DELIVERY MAN KO.”
Narito naman ang ilan sa mga nakakatuwang reaksyon ng ibang mga netizens:
“Sana lahat ng delivery man ng Lazada at Shoppee ganyan kapogi para kahit may defect yung naideliver okay lang, ang mahalaga nakakita ka ng guwapo at kinilig ka. Minsan naman kailangan natin ng pampakilig hindi yung puro seryos na lang,” banggit ng isang netizen.
“Dito mo malalaman na sadyang mapanghusga ang lipunan. Tapos sasabihin nila hindi mahalaga ang hitsura. Dito sa mundong ginawa ng Diyos Ama, bakit ang mga guwapo at magaganda lang ang may halaga?” opinyon naman ng isa pa.
“Lalaki man o babae, pareho lang naa-attract sa panlabas na kaanyuan ng isang tao kasi yun ang unang nakikita ng ating mga mata. Okay lang iyan,” komento pa ng isa.
Source: Facebook
0 Comments