Hindi natin hawak ang ating buhay. Maaaring sa ngayon ay malakas tayo at walang iniindang sakit ngunit kinabukasan ay bigla na lamang tayong magugulat dahil sa mga hindi natin inaasahang pangyayari.



Tanging Diyos lamang ang makakaalam kung ano nga ba talaga ang magiging kinabukasan natin. Maraming mga tao na nakakaabot pa sa matandang gulang o edad bago sila sumakabilang-buhay habang mayroon din namang bata pa lamang ay binawian na kaagad ng buhay.

Tulad na lamang ng tinaguriang “hero baby” na ito na isang taong gulang at apat na buwang gulang na si Leopauld Sanchez o Baby Leqsus. Naging maiksi man ang kaniyang buhay dito sa mundo ay naging dahilan naman siya upang madugtungan ang buhay ng dalawang sanggol at isang matanda dahil na rin sa kaniyang mga organs na idinonate ng kaniyang pamilya.







Ayon sa ilang mga balita ay Nobyembre 15, 2020 nang maaksidente ang sinaksakyang kotse ng pamilya. Magkakasama ang mga magulang ng bata, mga kapatid ang mismong si Baby Leqsus na siyang lubhang nagtamo ng pinsala.



Halos dalawang buwan din siyang nakipaglaban sa ospital ngunit ayon sa mga doktor ay “brain d3ad” na ang bata. Nagkataon na nangangailangan ng ilang mga organs ang dalawang sanggol at isang matanda kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa ang mga magulang ni Baby Leqsus na gawin ang nararapat.




Ayon pa sa mga magulang ng sanggol ay ilang beses din silang humiling ng himala upang maligtas ang bata ngunit hindi nila akalain na siya pala mismo ang magiging himala para sa mga taong labis na nangangailangan. Bago pa man tuluyang mamaalam ang sanggol ay binigyan pa siya ng “honor walk” ng mga staff ng ospital dahil sa kabayanihang kaniyang magagawa sa kabila ng kaniyang murang edad.

Dalangin naman ng kaniyang pamilya na balang-araw ay makita at makilala sana nila ang mga taong nakatanggap ng ilang mga organs ng kanilang pinakamamahal na si Baby Leqsus.

Source: Youtube