Dugong dayuhan man ay mayroon pa ring pusong Pilipino ang YouTuber na si Hungry Syrian Wanderer o mas nakilala ng publiko bilang si Basel Manadil. Sa dami na ng niyang natulungan at ginawang kabutihan sa maraming mga Pilipino ay talagang marami na rin ang nakakakilala at humahanga sa kaniya.
Kamakailan lamang ay nakatanggap ng biyaya mula sa kaniya ang isang masipag na “foreman” na gumagawa ng kaniyang bahay. Ayon sa naging pagbabahagi ng sikat na vlogger sa kaniyang social media post, habang abala ang lahat ng tao sa paghahanda para sa pagsalubong ng bagong taon ay binisita niya ang “foreman” na siyang namamahala sa pagre-renovate ng kaniyang bahay.
Siya kasi ang nagbabantay ngayon sa kaniyang “dream house” na wala pang pintuan. Batid naman natin na ang Pasko at Bagong Taon ang ilan lamang sa mga mahahalagang araw kung kailan nagsasama-sama ang bawat pamilya.
Dahil dito ay nais niya sanang sorpresahin ang “foreman” na ito ng isang “brand new cellphone”.
“While everyone is busy during New Year’s Eve, I decided to give back and visit my foreman who decided to stay and watch over my house renovation site as we don’t have doors yet etc.” Pahayag ni Basel.
Hindi pa kailan man nagkakaroon ng isang bagong cellphone ang naturang foreman dahil sa tingin niya ay napakamahal nito at hindi tamang paglaanan pa niya ng kaniyang sweldo sa gayong napakarami na niyang kailangan pagkagastusan. Nang ibigay na ni Basel sa kaniya ang bago niyang cellphone ay talagang hindi siya makapaniwalang kaniya na talaga ito at sa wakas ay mararanasan na rin niyang magkaroon ng isang bagong cellphone.
Inabutan din ng vlogger ng kaunting cash ang “foreman” bilang karagdagang regalo para sa kaniyang pambihirang kasipagan at determinasyon sa trabaho. Tunay nga na noon pa man ay nais na talagang ibahagi ni Basel sa maraming mga Pilipino na kahit ano man ang estado natin sa buhay ay makakaya pa rin nating tumulong sa ating kapwa kung nanaisin lamang natin.
Panahon na upang mabuhay muli ang pagbibigayan at bayanihan ng mga Pilipino.
Source: Youtube
0 Comments