Lola na Iniwan sa Loob ng Sasakyan, Halos Hindi Makahinga Matapos Iwan ng Kanyang mga Kasama


Isang Lola ang hindi makahinga sa loob ng sasakyan matapos itong iwan at namalengke ang dalawa niyang kasama.

Kilala ang mga pinoy sa pagkakaroon ng 'close family ties' na isang patunay kung bakit malapit tayo sa ating mga lolo at lola na silang kumakalinga sa atin, bukod sa ating mga magulang, noong tayo ay bata pa.


Malayo ito sa kaugalian ng ilang dayuhan kung saan idinadala na nila sa 'home for the aged' ang matatanda nilang kamag-anak, kahit sarili pa mismo nilang mga magulang, upang maalagaan ng husto. 

Gayunpaman, may ilang pinoy pa din na tila hindi responsable pagdating sa pag-aalaga sa mga nakatatanda. Gaya na lang ng ibinahagi sa social media ng isang netizen. 

Ayon kay Grace Samillano-Lacusong, na nasa parking sa S&R Alabang noon, nadatnan nya sa parking na halos hindi na makahinga sa loob ng kotse ang kaawa-awang lola.
 


Nang tanungin ng nagmalasakit na babae ang matanda kung nasaan ang mga kasama, sinabi nito na nasa 'palengke' ang dalawa nyang kasama. 

Kwento ni Grace, gutom, uhaw na uhaw at pawisan na umano ang naturang lola nang makita nya ito. 

Aniya, "Nakakapanggigil ng laman!!! Di na makahinga ng maayos si Nanay sa sasakyan, pawis na pawis na rin sya. Nakita ko na agad sya from afar. Nung papalapit na ko, nagmamakaawa na sya palabasin. I was parked beside their vehicle."


Dagdag pa nya, wala raw paging system ang nasabing establishment kung kaya hindi madali ang naging paghahanap sa mga kasama ng naiwang matanda. 

"I called the guards and other staff to page the owner of the vehicle sa loob ng SnR Alabang, sad to say they dont have a paging system.. Kung meron lang sana, napadali pag hanap sa may ari ng sasakyan.", pagbabahagi ng netizen. 

Basahin ang kanyang buong Facebook post:

Sorry but I had to post this!!! Nakakapanggigil ng laman!!! Di na makahinga ng maayos si Nanay sa sasakyan, pawis na pawis na rin sya. Nakita ko na agad sya from afar. Nung papalapit na ko, nagmamakaawa na sya palabasin. I was parked beside their vehicle. I called the guards and other staff to page the owner of the vehicle sa loob ng SnR Alabang, sad to say they dont have a paging system.. Kung meron lang sana, napadali pag hanap sa may ari ng sasakyan. 

Hello to the management of SnR!!! Paki tulungan si Mommy, yung managers nyo jan. Nauuhaw na sya, nagugutom na rin daw sya... tssskk.. ending, I bought her water and food. Tssskk.

kung di lang ako uwing uwi na, iintayin ko may-ari ng sasakyan. How could anyone leave someone who's really aged??? Langya kayo! Be responsible naman!
 


UPDATED:

--- Naintay ko yung may-ari. Babae rin pala. At dalawa sila! Salamat daw sa concern, wala rin daw akong alam, may alzheimers daw si lola.. 

My 2 cents:

All the while andun ako for an hour. Dapat kanina pa ko nakauwi. Pero dahil hindi kaya ng puso ko na iwan si lola na ganun yung state, inantay ko nalang. Tell me, mabilis lang sila??? 

May alzheimers? Bakit iniwan nyo mag isa? I dont care about her past. What I care is her well being at the moment! Hindi na makahinga ng maayos at pawis na pawis na si Lola sa loob ng sasakyan. Gutom na rin daw sya. 

Tinanong ko kung kaano ano nya, kasama daw sa bahay, anu? Lola? Mama? Katulong? Hindi raw. Kasama lang daw sa bahay. 

Masakit sakin yung nangyari na parang nagagalit pa sya na pinalabas ko nang sasakyan. Oo pinalabas ko, but i asked the guards and staff to assist me, bantayan si lola habang nabili ako food for her. Oo, ako nagbukas ng door nya. Kasi di sya marunong. Nag alarm pa nga ng bongga sasakyan nya eh. 

I didnt felt her sincerity about sa concern namen sa Lola na iniwan nya. 

Next time, kung di mo rin naman kaya isama sa loob ng establishment, dahil dalawa naman kayo, sana naiwan isa na ksama nya sa sasakyan. 

#SnRAlabang

Sana magkaron kayo ng public paging system. And sa roving guards, sana alert din kayo.

Posting for awareness.. BE RESPONSIBLE!

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments