Isang matandang lalaki na mag-isang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa isang restawran, umantig sa puso ng publiko!





Masarap sa pakiramdam ang magdiwang ng kaarawan kasama ang iyong minamahal na pamilya. Ngunit sa kasamaang-palad ay marami sa atin ang wala nang magawa kundi makuntento na lamang sa kung anong makakayanan nila sa kanilang kaarawan.

Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel facebook



Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang isang matandang lalaking ito na talagang ayos na ayos ang kasuotan mula ulo hanggang paa. Mayroon din siyang hawak na cellphone habang kinukuhanan ng larawan at video ang inorder niyang pagkain at binili niyang cake.

Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel facebook




Ayon sa netizen na si “Trixie Ann Eras Manuel” na siyang nagbahagi ng mga larawang ito ng matanda ay nakita nila siyang mag-isa sa kainan na ito at napansin nilang kausap niya ang kaniyang asawa at mga anak. Tila ba ipinapasilip ng matanda ang kaniyang simpleng pagdiriwang ng kaniyang ika-69 taong kaarawan.




Bagamat nakakalungkot isipin na hindi kasama ng matandang lalaki ang kaniyang pamilya sa espesyal na araw na ito ay dalangin pa rin ng maraming mga netizens na magkaroon pa ng maraming mga taon ang matandang lalaki. Tunay nga na kahit gaano kahirap ang buhay, iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay.



Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel facebook




Tila ba mas nagiging malakas ka at mas nagiging matatag ka dahil sa kasama mo sila sa pagharap mo sa mga hamon ng buhay. Ano man ang mangyari sa iyo ay kampante ka na mayroong mag-aalaga at kakalinga sa iyo.

Ang viral post na ito ay mayroon nang higit sa 39,000 na mga reaksyon, higit sa 1.2 na mga komento, at higit sa 25,000 mga shares. Dahil din sa pangyayaring ito ay tiyak na mas maraming mga anak ang maglalaan ng oras para sa kanilang mga magulang lalo na sa kanilang kaarawan.

Isang beses sa isang taon lamang sila kung magdiwang ng kaarawan kung kaya naman tiyak na maaari nila itong gawan ng paraan upang kahit papaano ay makapagdiwang kasama ang kanilang magulang na sa paglipas ng panahon ay tumatanda na rin.

Source: Facebook






Post a Comment

0 Comments