Isang pet fish usap-usapan ngayon ng marami dahil sa tinabihan nito ang anak ng kaniyang amo na tila ba isang aso o pusang nais tumabi sa kanilang amo habang natutulog!





Tiyak na maraming mga animal lovers ang makaka-relate na madalas ay marami talagang mga pets ang nagnanais ng “cuddle time” o “cuddle moments” mula sa kanilang mga amo. Ilan sa mga ito ay ang mga alaga nating pusa at aso na talaga namang nawili na at nasanay na sa ganitong sistema.

Photo credit: Bieesya Baieesya / Facebook



Madalas na magugulat ka na lang dahil sa katabi mo na pala sa pagtulong o sa pamamahinga ang mga alaga mong aso at pusa. Ngunit maliban pala sa mga hayop na ito ay mayroon pang kakaibang hayop na talagang gustong gustong tumabi sa kaniyang amo.

Sinong mag-aakala na ang isda na ito o pet fish ay gustong gusto ring katabi ang anak ng kaniyang amo sa kaniyang pagtulog? Nakasanayan na nating makita ang mga isda sa loob ng aquarium na mayroong tubig.




Photo credit: Bieesya Baieesya / Facebook




Kadalasan ay nasasawi kaagad ang isang isda kung matagal itong wala sa tubig. Ngunit sa nasaksihan ni “Bieesya Baieesya” ay tila kahit isang isda ay talagang gusto rin na may katabi sa pagtulog!



Kakaiba hindi ba? Nakasanay na ng niyang makita ang kanilang alagang pusa na tumatabi sa dalawa niyang anak sa tuwing natutulog ang mga ito.
Talagang himbing na himbing pa nga ang tulog ng alaga nilang pusa base na rin sa mga larawang kuha niya. Isang araw ay hindi inaasahan ni Bieesya Baieesya na makakita sila ng kaniyang asawa ng isang isda sa gilid ng riles.




Photo credit: Bieesya Baieesya / Facebook

Hinuli nila ito at inuwi sa kanilang tahanan. Dahil sa hindi nila ito kayang iluto at kainin ay inalagaan na lamang nila ito at inilagay sa isang aquarium. Naging “pet fish” nila ito at talagang naging malapit na rin ito sa dalawa nilang anak.

Laking gulat na lamang ng mag-asawa nang isang araw ay makita nilang nakatabi ang isda sa pagtulog ng kanilang anak. Akala nilang aksidente lamang ito kung kaya naman ibinalik nila ang isda sa aquarium nito.

Ilang beses pang nangyari ito kung kaya naman laking gulat na lamang nila dahil maging ang isda palang ito ay gusto ring tumabi sa kanilang mga anak na animo’y isang pusa. Ang isda na kanilang alaga ay isang “snakehead murrel fish” na kayang mabuhay sa labas ng tubig.





Post a Comment

0 Comments