Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mag-alaga ng mga hayop dahil sa “certified animal lover” talaga ang marami sa atin. Ngunit hindi lamang pala sa pag-aalaga ng ating mga alagang hayop maaaring maipakita ang pagmamahal natin sa kanila.
Tulad na lamang halimbawa ng isang VET med student na ito katuwang ang kaniyang mga kaibigan ay nagpapakain ng ilang mga ligaw na hayop sa nakalipas na ilang taon. Siya ay nakilala bilang si Hyacinth Lumagbas, isang first-year Doctor of Veterinary Medicine student mula sa Barangay Natividad sa Pilar town.
Kasama niya ang ilan sa kaniyang mga kaibigan habang binabaybay nila ang ilang mga lugar sa Capiz ay nagbibigay sila ng pagkain sa mga ligaw na aso at pusa. Kahit pa nga araw ng Kapaskuhan ay hindi sila napigilan upang tulungan ang mga kawawang hayop na ito.
Ayon sa naging pahayag ni Hyacinth, taong 2017 pa lamang ay nagpapakain na sila ng mga ligaw na hayop sa ilang mga lugar sa kanilang bayan. Kahit pa nga sa gitna ng pandemya ay talagang sinisikap pa rin nilang matulungan ang mga hayop na nagpapalaboy-laboy na lamang sa lansangan.
Laking pasasalamat na lamang ng kanilang grupo na marami pa ring mga taong nagnanais na tumulong sa abot ng kanilang makakaya kung kaya naman nagbibigay din ang mga ito ng mga donasyong pera na siyang ginagamit nina Hyacinth pambili ng mga pagkain na ibibigay nila sa mga hayop na ito.
“Giving a lil love or small acts of kindness hÜrts nobody and this is something not everyone understands. Animals are known to recognize love in any form, so the good you do to a stray animal will never go waste. Let us share our blessings by providing them one of the best gifts a stray dog or cat can receive, a clean and decent meal.” Pagbabahagi ni Hyacinth sa kaniyang social media post.
Nagbigay din siya ng napakagandang mensahe para sa mga taong walang sawang tumutulong sa kanilang adbokasiya. Ipinaalala niyang hindi lamang tuwing Pasko kundi araw-araw at bawat sandali natin dapat tulungan ang mga ligaw na hayop na ating nakikita sa lansangan.
0 Comments