Ang “Japan Information and Culture Center” o JICC ng “Embassy of Japan” ay nagpalabas na ng anunsiyo para sa mga Pilipinong nagnanais na mag-apply para sa “Teacher Training and Japanese Studies categories” ng 2021 Japanese Government (MEXT) Scholarship Program.
Ang Teacher Training scholarship program na ito ay naglalayon na mabigyan ng oportunidad ang mga Pilipino na magtungo sa Japan sa loob ng isa at kalahating taon upang magsagawa ng ilang mga pag-aaral patungkol sa “school education” sa ilang mga unibersidad roon at isang taon naman ang nakalaan para sa “Japanese studies”.
Ang mga nagnanais na maging bahagi ng programang ito ay dapat 35 taong gulang at nakapagtapas na ng kolehiyo o “teacher training college”. Kailagan din ng limang taong karanasan bilang guro sa elementarya, hayskul o teacher training college sa Pilipinas.
Ang mga “college” at “university teachers” ay hindi kwalipikado para sa programa na ito. Para sa mga nagnanais ng “Japanese studies”, ang mga aplikante ay dapat nasa edad 18 hanggang 30 taong gulang.
Kailangan din na naka-enroll na sila bilang “undergraduate student” sa ilang mga faculty o eskwelahan na mayroong major na “Japanese language” o “Japanese culture” sa isang university sa labas ng Japan bago sila pumunta sa bansa. Dapat ay naka-enroll na sila sa isang home institution kapag nakabalik na sila sa kanilang sariling bansa. Kailangan ding kumpletuhin ang mga dokumentong ito tulad ng “Academic Transcript of Records”, “Certificates of graduation of school/university”, “Medical Certificate on Prescribed Form” at “Recommendation letter”. Ang proseso ng pag-aapply ay ang sumusunod: “document submissions”, “screening”, “written exams”, at “interview”.
Huwag din kalilimutang ilagay ang lahat ng mga dokumentong ito sa isang envelope o folder na nakaayos na at mayroong mga numero sa kanang itaas na bahagi ng mga dokumento base na rin sa listahan. Dapat matapos at makumpleto ang lahat ng ito bago ang ika-5 ng Pebrero 2021.
Ipadala ito sa:
Attn: MEXT Scholarship Program Japan Information and Culture Center, Embassy of Japan
2627 Roxas Boulevard, Pasay City 1300
Ang mga application forms at mga guidelines ay maaaring ma-download dito: https://ift.tt/38wIMEZ
0 Comments