Isang YouTube vlogger inalok ang isang matandang tindero ng pera kapalit ng paghalik nito sa kaniyang paa!





Maraming nagtaas ng kilay sa ginawang ito ng YouTube vlogger na si Jose Hallorina sa kaniyanag YouTube channel na “Jose Hallorina”. Nang makakita kasi siya ng isang matandang tindero na namamahinga katabi ang kaniyang paninda ay kinausap niya ito patungkol sa kaniyang buhay. Malugod namang sumagot ang matanda sa kaniyang mga naging katanungan.



Ang matandang tindero na nakilala bilang si Tatay Danilo ay talaga namang nagsusumikap kumita ng pera asa 16 na oras niyang pagtatrabaho araw-araw. Wala pa din daw siyang tulog ng mga panahong iyon kung kaya naman naabutan siya ng vlogger na tila nakayuko sa kaniyang pwesto.




Ayon sa matanda ay ginagawa niya ang trabahong ito kahit may edad na siya dahil sa nais niya pa ring masuportahan ang kaniyanga pamilya lalo na ang kaniyang mga anak sa probinsiya kahit pa nga malalaki na ang mga ito. Makalipas ang naging pag-uusap nila ay nag-alok ang vlogger na bibigyan niya ang Php3,000 ang matanda upang makauwi na ito at makapagpahinga kung hahalikan niya ang kaniyang paa.





Nagulat man ang matanda ay tila nais na rin niya talagang gawin ito dahil sayang din ang perang kaniyang maiuuwi at makapagpapahinga na rin siya sa wakas. Nang akmang gagawin na ito ng matanda sa paa ng vlogger ay agad na ibinaba niya ang kaniyang paa at sinabing naiiyak at nalulungkot siya sa nangyari.






Tinanong niya ang matanda kung bakit siya pumayag? Para kay Tatay Danilo ay puhunan na rin kasi ito kung kaya naman hindi na siya mahihiyang gawin ito talaga. Pahayag naman ng vlogger ay hindi niya hahayaang gawin ito ng matanda dahil sa mahal niya ito bilang kapwa niya Pilipino.

Nais ng vlogger na pahalagahan ni Tatay Danilo ang kaniyang reputasyon at dignidad kung kaya naman pinayuhan niya ito ng husto. Binigyan ng vlogger ng Php3,000 ang matanda na dinagdagan pa niya ng Php3,000 upang makatulong sa paninindahan nito.

Labis na kagalakan naman ang naramdaman ni Tatay Danilo dahil sa biyaya na kaniyang natanggap.

Source: Youtube






Post a Comment

0 Comments