Ivana Alawi, sinorpresa ang ilang mga delivery rider ng ilang mga brand new helmet at Php10,000 na cash!





Nang mag-pandemic sa ating bansa ay talaga namang naging laganap na ang “online shopping” at iba pang mga “online transactions”. Hindi rin naman papahuli ang mga “online delivery services” kung saan kahit anong pagkain ay maaari nang ipa-deliver.



Ngunit nakakalungkot lamang dahil sa marami na rin tayong nababalitaan na mga panloloko o di kaya naman ay pananamantala sa mga “delivery riders”. Hindi ito lingid sa kaalaman ng sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi kung kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ang ilan sa kanila.




Sa kaniyang latest vlog ay itinampok niya ang ilang mga masisipag at masuswerteng mga delivery riders na nakatanggap ng regalo niyang mga “brand new helmet” na siya pa mismo ang bumili upang masiguro ang kalidad nito. Para kay Ivana ay dapat din namang pasalamatan at saluduhan ang mga masisipag nating “delivery riders” dahil matuturing din silang mga “frontliners” sa gitna ng pandemyang ating nararanasan ngayon.





Para sa latest vlog ni Ivana ay inihanda niya ang mga regalong helmet para sa mga riders na kaniyang tatawagan upang magpadeliver ng ilang pagkain. Ibang pangalan ang gamit niya upang hindi siya agad makilala ng mga ito.






Nang makarating na sila sa tahanan ni Ivana ay talagang gulat na gulat silang malaman na si Ivana pala mismo ang umorder sa kanila. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang aktres at kaagad na niyang ibinigay ang helmet sa mga dumarating na riders.

Bukod pa rito ay nag-abot din siya ng kaunting tulong sa kanila, Php10,000 cash na tiyak na makakatulong sa kanila at sa kanilang mga pamilya. Mayroong ilang mga riders na hindi napigilan ang sarili at talagang naging emosyonal.

Labis ang kanilang pasasalamat dahil sa ginawang ito ni Ivana. Marahil ay talagang napakalaking sakripisyo din para sa kanila ang trabahong ito ngunit wala rin naman silang ibang magagawa kundi ibigay ang kanilang makakaya dahil sa hirap humanap ng trabaho o pagkakakitaan sa ngayon.


Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa ring mga tao tulad ni Ivana na mayroong mabuting puso na nagnanais na tumulong sa kanila sa gitna ng pandemya.





Post a Comment

0 Comments