Kilalang Psychic na si Rudy Baldwin, mayroong mga naging pangitain patungkol sa panggagahasang magdudulot ng pagkasawi ng biktima.





Naging mainit nang usapin noon pa man ang panghahalay o panggagahasa na isang karumal-dumal na krimen sa bansa natin ngayon. Mayroong ilang tao na nag-gigiit na hindi dapat kasi nagsusuot ng maiiksing mga damit ang mga kababaihan o di kaya naman ay naglalakad nang mag-isa sa kalye kung gabi.


Para naman sa nakararaming netizens, hindi na dapat pang sisihin ang mga naging biktima ng krimen na ito dahil sa hindi naman sila dapat pigilang magsuot ng nais nilang kasuotan o di kaya naman ay pigilan silang magtrabaho kahit gabi na. Sa opinyon ng nakararami, ang puno’t dulo ng lahat ng ito ay ang kaisipan ng maraming mga taong nagnanasa sa kanilang kapwa.




Dahil sa kahalayan at pagnanasa nilang ito, dagdagan pa ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, maraming mga buhay ang nasasayang. Tulad na lamang ng buhay ng isang 23 taong gulang na flight attendant na si Christine Dacera mula sa General Santos City.

Siya ay nagtatrabaho sa isang malaking airline company sa bansa ngunit hindi lubos akalain ng kaniyang pamilya na pagkatapos ng Bagong Taon ay hindi na nila masisilayan pa na buhay ang kanilang anak. Labis ding ikinagulat ng maraming mga netizens ang naging pahayag noon ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin sa kaniyang social media account.




Mayroong petsang Disyembre 30, 2020 ang kaniyang pangitain patungkol diumano sa panghahalay. Mayroon daw ilang taong magsasamantala sa pagdiriwang ng pagsalubong sa Bagong Taon at gagamitin ang pagkakataon na ito upang manghalay ng kababaihan o kabataan.





Dinagdag pa niya na masasawi ang biktima na ito. Maraming mga netizens ang nagsasabing ito na nga ang nangyaring krimen sa isang hotel sa Makati kung saan natagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Christine matapos ang naging “party” nila ng kapwa niya mga “flight attendants”.



Hustisya ang sigaw ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.




Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments