Pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo, inamin na ang hilig niya talaga ay ang pagkain ng tsokolate at pag-inom ng softdrinks!





Marahil ay madalas nating mapanuod sa mga pelikula o television series ang mga karakter na nagnanais na mabuhay sa mahabang panahon. Marahil ay dahil sa isang sumpa kung bakit hindi sila kailan man malalagutan ng hininga o di kaya naman ay mayroon silang “super powers” upang hindi sila masaktan, mapamahak o masawi ano man ang gawin ng kanilang kalaban.

Photo credit: PhilStar



Ngunit sa tunay na buhay, kung nagawa mo namang magmahal, mahalin, at maging inspirasyon sa ibang tao, napakalaking bagay na nito upang masabi mong sa wakas ay naging masaya ang buhay mo dito sa daigdig. Upang magkaroon tayo ng mahabang buhay, marami sa atin ang talagang nag-aalaga ng husto sa ating katawan.

Marami ang kumakain ng masusustansiyang pagkain, nag-eehersisyo at nagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Sa tulong ng mga pamamaraang ito ay mas humahaba diumano ang buhay ng isang tao.




Ngunit maniniwala ba kayo na ayon sa “World’s Oldest Living Person” sa si Kane Tanaka mula sa Southwestern Japan, ang pagkain ng masasarap na pagkain at ang pag-aaral ang ilan sa mga bagay na talagang ginagawa niya upang humaba ang kaniyang buhay. Sa katunayan nga ay hilig niya talaga ang pagkain ng mga tsokolate at pag-inom ng paborito niyang Coke!




Sa ngayon ay naninirahan siya sa isang nursing home sa Fukuoka, Japan. Palagi din siyang nag-e-ehersisyo, nagkakalkula at nag¬lalaro ng Reversi strategy board game. Isinilang si Kane noong Enero 2, 1903 at kinilala nga siya ng “Guinness World Records” bilang “the world’s oldest living person” Noong Marso 2019 sa edad na 116 taong gulang.



Ang British novelist na si George Orwell ay isinilang din sa taon ng kaniyang kapanganakan. Tunay nga na sa dami ng mga dahilan ng pagpanaw ng mga tao sa ngayon, nakakabilib pa rin ang mga ganitong balita.




Hindi naman hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang pagkain ng tsokolate at pag-inom ng softdrink ngunit marahil ay ilan lamang ito sa nagbibigay kasiyahan para kay Kane kung kaya naman hanggang sa ngayon sa masaya pa rin siyang namumuhay sa edad na 118 taong gulang.

Source: PhilStar





Post a Comment

0 Comments