Lalaking may Kapansanan, Ibinigay sa Simbahan ang Lahat ng Kanyang Nalimos upang Maitulong sa Higit na Nangangailangan



Isang lalaking may kapansanan ang namamalimos upang itulong sa simbahan para maibigay sa mga taong higit na nangangailangan.

Hindi nasusukat sa estado ng buhay ang pagtulong ng isang tao sa ibang mga nangangailangan. Kung ito ay mula sa puso, paniguradong makapagbibigay siya ng saya at inspirasyon sa ibang tao na higit na nangangailangan.


Hinangaan ng marami ang ginawang kabutihan ng isang matandang may kapansanan. Isa man siya sa mga taong nanlilimos sa lansangan, hindi naman siya nagdalawang-isip na ibigay ang lahat ng kanyang nalimos sa simbahan.

Kinilala ang lalaki bilang si Mang Romy, isang Person With Disability (PWD). Hindi siya nagatubiling i-donate ang nalikom niyang pera na nagkakahalaga ng P6,000 sa isang simbahan sa Antipolo City, kahit pa na mahirap ang kanyang pamumuhay.


Sa post ng netizen na si Jazz Pher Justo sa kanyang social media account, “Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa. Nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k.”

Isa rin umano si Mang Romy sa mga nagpaabot ng tulong sa mga taong naapektuhan ng mga nagdaang mga bagyo.

Narito ang kabuuan ng post ni Justo:

“Hindi talaga hadlang ang kapansanan at estado sa buhay para makatulong sa kapwa.

Si Mang Romy na isang PWD (Stroke Patient) last month nagtungo sa Cityhall ng Marikina para personal iabot ang kanyang naipon sa palilimos na 12,000+ tulong nya ito sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ngayon naman po nag donate po siya sa St. Vincent Church sa Brgy. Mambugan Antipolo City ng mga naipon din niya sa palilimos na nagkaka halagang 6k., si Mang Romy ay umattend ng Simbang Gabi at personal din nya ibinigay sa Pari ang kanyang mga naipon galing sa palilimos.

Kahanga hanga po talaga si Mang Romy kahit po meron siyang karamdaman at hirap din sa buhay ay patuloy parin ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments