Netizen nahuli nang isang NLEX officer na walang mask sa loob ng kaniyang sasakyan, tinubos ang kaniyang lisensiya sa halagang Php2,077 kung saan nakalagay sa resibo ay “reckless driving”





Ang pagsunod sa mga batas trapiko ay isa sa mga bagay na hindi masyadong binibigyang-pansin ng marami sa atin. Ang tamang pagtawid lamang sa mga kalsada ay palaging pinapaalala sa marami sa atin dahil sa hindi na mabilang ang mga naaaksidente at nasasawi dahil dito.



Gayundin naman ang mga batas trapiko kung saan maraming mga Pilipinong motorista ang madalas na hindi sumusunod. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng netizen na si John Israel San Luis ang naging karanasan niya kasama ang kaniyang pamilya kung saan hinuli siya ng isang NLEX officer dahil sa wala siyang suot na “face mask” sa loob ng kanilang sasakyan.

Kasama din niya ang kaniyang asawa at anak nang mga panahong iyon. Nahuli siya kung kaya naman agad na kinumpiska ang kaniyang lisensiya. Nang tinubos na niya ito ay laking gulat niya dahil sa “Reckless Driving” ang nakalagay sa resibo ng binayaran niyang Php2,077 sa halip na “Not Wearing Facemask”.





Sari-sari ang naging opinyon at reaksyon ng mga netizens patungkol dito. Maraming nag-tag o nag-mention sakanilang mga mahal sa buhay at kaibigan upang maging babala at hindi na mangyari pa ito sa kanila.




Habang marami din naman ang nagkomento ng ilang mga impormasyon kung saan tila ba wasto lamang ang ginawang pagti-ticket ng NLEX officer dahil nakasaad naman ito sa polisiya ng lokal na pamahalaan alinsunod sa “standard protocol” sa gitna ng pandemyang patuloy nating kinahaharap sa ngayon. May ibang mga netizens din naman ang nagsabing dapat ay agad nang magsuot ng face mask ang mga tao sa loob ng isang private car lalo na kung batid naman nila na mayroon silang madadaanan na ganitong klaseng checkpoint.






Mayroon mang magkaibang opinyon ang publiko ay hindi pa rin sana natin makaligtaan ang mga dapat nating gawin sa gitna ng pandemyang ito. Hindi lamang kasi ito para sa ating kaligtasan kundi lalo na para sa ating pamilya at sa mas maraming mga Pilipino.





Post a Comment

0 Comments