Sikat na singer na si Sheryn Regis, hindi napigilang umiyak nang i-kwento ang kaniyang naging karanasan nangmagkaroon siya ng isang napakalubhang sakit!





Sa ating buhay, talagang darating at darating din ang punto na haharap tayo sa isang mahigpit na pagsubok. Talagang masusukat ang ating pananampalataya sa Diyos at ang pagiging matatag natin bilanga isang tao.

Si Sheryn Regis ay talaga namang isa sa pinakasikat at isa sa pinakahinahangaang mang-aawit sa bansa. Nakilala siya dahil sa napakahusay niyang pagbirit at sa pag-abot niya sa matataas na nota ng kaniyang mga awitin.



Photo credit: Magandang Buhay Youtube

Ngunit sino nga ba ang mag-aakala na ang isang sikat na singer na tulad niya ay mararanasang magkaroon ng isang matinding karamdaman? Nang siya ay maimbitahan sa programang “Magandang Buhay” ay hindi niya napigilang maging emosyonal nang ibahagi niya ang kaniyang pinagdaan noong malaman niyang mayroon pala siyang Thyroid kanser.




Photo credit: Magandang Buhay Youtube




Sa halip na magpagamot sa Estados Unidos kung saan naroroon ang kaniyang pamilya ay mas minabuti na lamang niyang sumailalim sa isang surgery sa Cebu. Naikwento din ng sikat na singer ng 41 taong gulang na singer na sa Cebu niya talaga unang nalaman na mayroon pala siyang malubhang karamdaman kung kaya naman doon na rin mismo siya nagpagamot.



Photo credit: Magandang Buhay Youtube




Hindi naging madali para kay Sheryn ang lahat ng kaniyang pinagdaanan dahil sa mas pinili niyang hindi na mag-alala pa ang kaniyang magulang kung kaya naman siya at ang doktor niya lamang ang nakaaalam ng kaniyang sakit. Aminado siya na talagang nakaranas siya ng matinding pag-aalala at depresyon dahil dito.

Photo credit: Magandang Buhay Youtube

Pag-awit ang isa sa pinakamahalagang bagay para sa kaniya, ito ang kaniyang karera kung kaya naman talagang nag-alala siya na hindi na siya makakaawit pang muli dahil sa sakit na ito. Sa ngayon ay napagtagumpayan na niya ang hamon na ito sa kaniyang buhay kung kaya naman talagang napakalaki ang kaniyang naging pasasalamat sa Diyos.

Nais din sana niyang makapiling ang kaniyang anak na si Sweetie na nasa Houston, Texas para sa ika-18 taong kaarawan nito sa Pebrero ngunit hindi pa ito posible sa ngayon dahil sa panganib na hatid ng pandemya.






Post a Comment

0 Comments