Netizen hinikayat ang publiko na tulungan ang matandang lalaki na naglalako ng kendi sa LRT sa gitna ng pandemya!





Hindi madali ang kumita ng pera kung kaya naman marami sa atin ang talagang nagsusumikap at nagtitiis gaano man kahirap ang ating sitwasyon. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang matandang lalaki na ito na sa kabila ng edad at ng kaniyang karamdaman ay nagagawa pa ring magbanat ng buto.

Image by Kym Manalaysay via Facebook



Hindi na napigilan pa ng isang netizen ang kaniyang pagnanais na tulungan ang matanda kung kaya naman sinubukan niyang ibahagi sa social media ang kalagayan ni Tatay Jacinto. Ayon na rin sa naging pagsasalaysay ni Kym Manalaysay ay madalas niyang makita ang matandang tindero ng kendi sa LRT Tayuman station kung saan nito madalas itinitinda ang kaniyang mga sariling gawang kendi.

Sa halagang bente pesos ay makakabili na ng apat na pirasong kendi ni Tatay Jacinto. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na wala halos bumibili sa kaniya at dinaraan-daanan na lamang siya ng mga tao sa kaniyang paligid.




Image by Kym Manalaysay via Facebook




“For 20 pesos, 4pcs na candy, siya mismo may gawa. Please buy kayo, kapag napadaan kayo malaking tulong na ‘yung 20 pesos kay tatay para sa pang araw araw na need niya, ‘di natin need maging mayaman to help.” Pahayag ni Kym.



“Matanda na si tatay pero nagsisikap pa din magtinda para sa ikakabuhay ng pamilya, please support him,” Pakiusap pa niya.




Matanda na si Tatay Jacinto ngunit nagsusumikap pa rin siyang maghanap-buhay. Hindi lamang para kumita siya ng pera kundi lalo na para sa kaniyang mga gamot sa diabetes.

Dahil sa kalagayan ni Tatay Jacinto ay nanawagan si Kym na kung sakaling makikita ng mga netizens si Tatay Jacinto sa LRT ay bilhan man lamang sana siya ng mga ito dahil ang halagang bente pesos para sa kaniya ay napakalaking halaga na. Tunay nga na mayroon din tayong kaniya-kaniya nating problema sa buhay, ngunit tulad ng sinabi ni Kym sa kaniyang viral post, hindi naman kailangan na maging mayaman tayo para lamamg makatulong sa ating kapwa.

Source: Facebook





Post a Comment

0 Comments