Ang pagkakaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya ay isa sa pinapangarap ng marami sa atin. Hindi lahat ng tao sa mundo ay nabibiyayaan nito kung kaya naman talagang napakasarap sa pakiramdam na makaranas nito.
Nakakalungkot lamang isipin na mayroon talagang ilang mga pamilya na hindi na maaaring mabuo pa dahil ang mga magulang ay mayroon nang kaniya-kaniyang pamilya. Sa kabila nito ay marami pa rin namang mga anak ang lumalaking responsable at mapagmahal.
Halimbawa na lamang ang mga anak ng aktres na si Marjorie Barretto. Si Marjorie Bernandine Castelo Barretto o mas hinangaan natin bilang si Marjorie Barretto ay isang 46 taong gulang na artista at isa ring dating pulitiko.
Siya ay nagsilbi bilang “city councilor” ng second district ng Caloocan City mula taong 2007 hanggang 2013. Ang mga sikat na celebrity na sina Claudine at Gretchen Barretto ay kaniyang mga kapatid gayundin ang kaniyang anak na si Julia Barretto.
Ang kaniyang panganay na anak na si Dani Barretto-Panlilio ay isang sikat na social media personality. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na ang mga anak ni Marjorie ay hindi iisa ang mga ama.
Sa kabila nito ay nananatili pa ring nagmamahalan at nagkakaunawaan ang mga anak. Kamakailan lamang ay hindi niya maiwasang alalahanin ang pinagdaanan ng kaniyang pamilya noon at ang tagumpay na tinatamasa na ngayon ng kaniyang mga anak.
Ayon sa naging post ni Marjorie, madalas talagang nililinis niya ng mabuti ang isang bahagi ng kanilang bahay apat na beses sa loob ng isang linggo para sa buong buwan ng Enero ngunit palagi siyang natatagalan sa tuwing makikita niya ang mga larawan ng kaniyang mga anak noong bata pa sila. Hindi man niya alam kung paano niya nagawang maitaguyod silang lahat ay talagang nagpapasalamat pa rin siya dahil sa paggabay at sa grasya sa kaniya ng Diyos.
Hindi madali ang maging isang ina ngunit mas mahirap din talaga ang tumayong ina at ama para sa iyong mga anak. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang ulanin ng mga positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang post niyang ito.
Sa ngayon ay matagumpay na ang karera ng kaniyang mga anak at talaga namang masasabi na niya sa kaniyang sarili na nagtagumpay siya sa kaniyang mga ginawang sakripisyo para sa kanila noon hanggang sa ngayon.
0 Comments