Isang matandang lalaki ang humihingi ng tulong dahil mag-isa na lamang siya sa buhay at marami na ring nararamdaman.

Ayon sa post ni Melvar Brin Amasola, nakita niya umano si tatay na nakaupo sa gilid ng kalsada at kinausap niya ito.

Ayon sa matanda na si Tatay Irenio Nasol na 89-anyos ay nangangalakal umano siya ngunit ninakaw umano ng ilang kabataan ang kanyang kinalakal.


Taga Albay daw talaga si Tatay Irenio at napadpad lang sa Brgy. San Manuel dahil nakulong siya sa iwahig penal farm at nang makalaya na ay mag-isa na lang siyang namumuhay.

Nakatira umano si Tatay Irenio sa maliit na kubo-kubo sa Brgy.San Manuel purok Milagrosa at nangangailangan siya ng tulong.


Kailangan ni Tatay Irenio ng gamot at makakain dahil pangangalakal lang ang pinag-kakakitaan niya at kung minsan ay ninanakawan pa ng mga kabataan.

Sa mga gusto umanong tumulong kay Tatay ay puntaha lamang siya sa Brgy.San Manuel purok Milagrosa at pwede naman siyang ipagtanong dahil kilala umano ang naturang matanda sa kanilang lugar.


Narito ang kabuuang post ni Melvar Brin Amasola sa kanyang Fb account,

Along brgy.San manuel habang nagmomotor ako nakita ko c tatay na nakaupo at nagsisilong sa halaman hinintuan ko sya dahil na curious at naawa ako sa kanya sinimulan ko syang kausapin at agad nyang pinakita yung mga papel na hawak nya sya c TATAY Irenio Nasol .89 yrs.old sya at taga Albay napadpad sya dto dahil sa nakulong sya sa Iwahig penal farm pero matagal na syang laya at ngayon ay sya lang mag isa at nangangalakal ngunit pati kalakal nya ay ninakaw at pinaginteresan ng mga kabataan.

Habang nakaupo sya pinakita nya saken ang papel,medical at clearance madami ng sakit c tatay kaya laman ng bag nya ay konting gamit at mga gamot ..



Nakakahiyang inabot ko sa kanya ang 30 pesos dahil un lang ang merun ako sa bulsa pero ngumiti sya at nagpasalamat at inabot saken ang maliit ng pulang notebook dahil dun nya daw pinapasulat ung tumutulong sa kanya sa mga gustong tumulong kay tatay Nakatira po sya sa Brgy.San Manuel purok Milagrosa or diamond may maliit syang kubo kubo doon kung di nyu mahagilap kilala naman daw po sya sa mga nagtitinda malapit sa,elementary School ng San Manuel ..

Sana po matulongan c Tatay kahet pang gamot lang o baka may di na kau ginagamit na nebulizer bigay nalang po sa kanya luma na po ung sa kanya ei💗 Maraming Salamat po ito lang po ung way ko para makatulong 💗💗💗

Source: Noypi Ako