Buko Vendor, Ginawang Pang-Apula ng Apoy ang Tinda niyang Buko Juice




Isang nagtitinda ng buko ang hindi nag-dalawang isip na ibuhos ang kanyang tindang buko juice sa nasusunog na tricycle sa kanyang harapan.

Ayon umano sa vendor ng buko ng si Larry Lasac,tumigil umano sa tapat niya ang isang tricycle na nagliliyab ang makina at nang walang maibuhos na tubig ang driver ay ibinuhos niya ang tinda niyang buko juice upang maapula ang apoy.


Ayon pa kay Lasac ay baka sumabog ang tricycle at madami pa ang madamay kaya hindi siya nagdalawang isip na ibuhos ang tinda niyang buko juice.


"Yung tricycle po, tumigil sa tapat ko, nagliliyab ang makina, walang tubig na maibuhos ang driver, naisip ko na baka sumabog, maraming madamay kaya naibuhos ko yung tinda kong buko pata mam@tay yung apoy"- saad ni Larry Lasac.


Naapula naman agad ni Lasac ang apoy bago pa dumating ang mga bumbero at rescuers.

Dahil sa pinakitang malasakit ni Larry Lasac ay binigyan siya ng pagkilala ng LGU at binigyan din siya ng financial assistance.


Nagpapasalamat naman si Lasac sa nagpakalat ng video dahil hindi naman niya umano inaasahan na mangyayari yun.

"Nagpapasalamat po sko sa nagpakalat nung video dahil hindi ko inaasahan na mangyayari yun eh, balewala na sa akin yun."- pahayag pa ni Larry Lasac.


Narito ang kabuuang post,

PANINDANG BUKO JUICE, PINANG-APULA SA SUNOG

To the rescue ang isang magbubuko sa nasusunog na tricycle sa Binangonan, Rizal.

Habang tila natulala ang ibang tao sa paligid, kinuha ng magbubuko ang paninda niyang buko juice at ito ang ibinuhos niya sa apoy!

Naapula na niya ang sunog bago pa dumating ang mga bumbero at rescuers.

Source: Noypi Ako

Post a Comment

0 Comments