Isang binata ang napagtapos ang kasintahan sa kolehiyo dahil sa kanyang sipag sa pagtatrabaho.

Napagtapos ni Jeffrey ang kasintahan niyang si Catherine sa kolehiyo dahil sinagot nito lahat ng baon, tuition at iba pang pangangailangan nito habang nag-aaral.

Ayon kay Jeffrey, para na rin umano siyang grumaduate nang akapagtapos ang kanyang kasintahan dahil sulit umano lahat ng kanyang pinagpaguran.


Pitong taon na umanong magkasintahan sina Jeffrey at Catherine at nagtapos si Jeffrey ng Information Technology.

Si Catherine naman ay nahirapan nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang kaya nagpasya si Jeffrey na akuhin ang gastusin ni Catherine sa pag-aaral nito.

Nagsusumikap ngayon sa pagtatrabaho si Catherine bilang pasasalamat sa ginawa ng kanyang kasintahan na si Jeffrey para lang mapagtapos siya nito.

Narito ang kabuuang post,

BINATA, NAPAGTAPOS NG KOLEHIYO ANG KASINTAHAN

Tila dalawa raw sila ng kanyang boyfriend ang grumaduate nang makapagtapos si Catherine ng kolehiyo - ang kanyang kasintahang si Jeffrey kasi ang sumagot sa kanyang tuition, baon at lahat ng pangangailangan habang nag-aaral!

Pitong taon nang magkarelasyon sina Jeffrey at Catherine. Nagtapos si Jeffrey ng Information Technology habang si Catherine, two-year computer course ang natapos. Pero nahirapan si Catherine na makapaghanap ng trabaho, lalo nang maghiwalay ang kanyang magulang at kinailangan niyang suportahan ang ina at tatlong kapatid bilang breadwinner. Dahil dito, nagpasya si Jeffrey na pag-aralin ang girlfriend ng four-year course.

Wala mang hinihingi na kapalit ang boyfriend, ngayong graduate na si Catherine nagsusumikap siya sa kanyang trabaho bilang pasasalamat kay Jeffrey.

Congratulations, Jeffrey and Catherine!

Source: Noypi Ako