Isang may kapansanang ama, hindi hadlang ang sitwasyon para maghanapbuhay ng marangal.
Marami ang naatig sa larawang ibinahagi ng isang Netizen kung saan kumakayod ang isang ama na may kapansanan kasama ang kaniyang anak na nasa likuran nito.
Ito ang nakakabilib na ipinakita ni George na taga Tiaong, Quezon. Siya ay isang PWD na kailanman hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang itaguyod ang kanyang pamilya sa pangaraw-araw.
Ang kanyang kapansanan ay nagmula lang sa simpleng lagnat at napabayaan, pero masikap sya at hindi nya pinabayaan ang kanyang mga anak kahit ganun ang kanyang kalagayan.
Bata pa si George ay iniwan na sya ng ina nya sa isang bangka mabuti at nakita sya ng lola nya at inuwi sya, sila na nagpalaki kay George hanggang sa nag 7 o 8 yrs old sya naisipan ng tatay na kuhanin ayaw sana ng mga lolo at lola pero binigay pa din dahil mapilit ang ama nya.
Pagdating nya sa lugar ng ama nya may sarili na itong pamilya, me maliit na hanapbuhay pinagtrabaho sya ng ama nya sa murang edad at tutol syang magaral ito pero mapilit si George trabaho eskwela sya.
Hanggang sa dumating ang punto na di na kinaya ng katawan nya nagkalagnat sya pabalik balik mga isang taon hindi pinagamot dahil walang pera, hanggang sa hindi na nya maramdaman ang mga paa nya at ayun na nga nabaldado na sya ng tuluyan.
Source: Noypi Ako
0 Comments